08/12/2026
LOOK👀: UAAP Men’s Basketball Season Most Valuable Players from the 2000s 💪
Mula kay Rich Alvarez na naka-dalawa, sunod si Enrico Villanueva na mula rin sa Ateneo. Isa kay star James Yap mula UE, dalawang sunod kay Arwind Santos from FEU kasabay rin ng dalawang championships. Nakasungkit ng isa si Ken Bono dahil sa fairytale story ng Adamson that season, sumunod naman si Jervy Cruz isang taon matapos ang championship. Isang solid run naman mula Ateneo na si Rabeh Al-Hussaini plus one championship pa. Sa kanya namang last season, nasungkit ni Dylan Ababou ang isang Season MVP.
08/12/2026
Totoo ba itong sinabi ni Baguio? 🤔
Kilala si Coach Yeng sa kanyang player rotation specifically yung paggamit niya ng mga players kahit na ba mga baguhan pa. Maraming mga dumaan na players sa kanya na late second round picks pero naging mga All-Stars pa rin.
Tiwala si Coach Yeng Guiao sa kanyang mga piniling players, naniniwala siya na opportunity lang at lakas ng loob ang kailangan para mag-shine. Dahil kapag nasa PBA ka, ibig sabihin ay may ibubuga ka, kailangan mo lamang ng Coach na magtitiwala sa iyo.
08/11/2026
Sino kaya ang mas lalayo sa kanilang tatlo sa playoffs this conference? 🤔
Tatlo sa mainit na teams ngayong conference 💪
Bumalik na ang kumpyansa ng Rain or Shine at nasa winning streak sila ngayon. Ang NLEX naman ay tuloy pa rin ang momentum mula last conference, looking better din dahil sa new head coach. Samantala ang Pheonix ay mas nahahanap na nila ang kanilang identity at mas lumakas pa ang roster.
08/11/2026
LOOK👀: NCAA Season 92 Mythical Five Members
Controversial or just right? Four out of the five members of the Mythical Five in the NCAA Season 82 were not Filipino. Si Jio Jalalon lang ang Pinoy na napasok sa nasabing award. Tama lang ba ang i-award na ‘to? Sadya bang wala nang ibang deserving na?
Sino na ulit nag-champion dito sa Season na ito? 🤔
08/11/2026
Naalala niyo pa ba itong 2017 Sea Games na kung saan naghalimaw sa dunk si Kobe Paras? 💪
Every game inaabangan ng mga Southeast Asian Teams pati na ng media ang pagpasok ni Paras sa court. Kada in sa floor ay instant highlights ang pinapakita niya through dunking at blocks.
At 18 years old, pinakita ni Kobe Paras ang kaya niyang gawin at his early age. Promising at may malaking future.
Ito ba ang peak performance ni Kobe?
08/10/2026
POV: Center ka noong 2000s tapos sila makakaharap mo sa court sa FIBA Asia 😖
Two of the most prominent Asian Centers in the history. Parehong maraming pinahirapan sa Asia, nataon lang na tumagal sa NBA si Yao Ming kaya sa World Cup at Olympics na lang nakapaglaro. Similar din kay Hamed Haddadi na binuhat naman ang Iran papuntang WC and Olympics.
Anong moment ang pinaka-natatandaan mo sa kanila? 🤔
08/10/2026
Bago pa man nagkaroon ng Curry range, sa Pilipinas mayroon nang Jimmy country 💯
Ang ganitong range ay normal kay Jimmy Alapag noong naglalaro pa lamang siya. Madalas at mataas ang percentage ng kanyang 3-point shot sa ganito kalayo.
Hindi lang sa PBA kundi maging sa international stage ay pinakita ni Jimmy ang kanyang long range shots.
Anong paborito mong moment ni Jimmy Alapag? 🤔
08/10/2026
LOOK👀: Ateneo Blue Eagles’ perfect Season 82 finish in Men’s Basketball 💪
Ito yung isa sa strongest era ng ADMU basketball composed of these players on the picture plus Coach Tab Baldwin. Perfect finish itong season 82 dahil bukod sa undefeated sila ay nakumpleto rin nila ang 3-peat championships.
Kung babalikan ito, talagang pure doninance ang pinakita nila laban sa ibang teams.
Ito ba ang best era ng ADMU basketball? 🤔
08/09/2026
2009 Powerade Team Pilipinas Headed by Coach Yeng Guiao. 💪
Isa rin ito sa malakas na line-up ng Team Pilipinas Basketball, nataon lang na malalakas talaga ang mga kasabayan nating Asian Teams noon. Kalakasan ng mga bansang Iran, Jordan, Lebanon at syempre ang ever consistent na Korea at China.
Natatandaan niyo pa ba ang loaded line-up na ito? 🤔
08/09/2026
One non-player lowkey marketing the Rain or Shine franshise to the next level 🙌
Si Eric Nanas na ball boy ng ROS ay nagbibigay ngayon ng aliw sa mga fans sa kanyang mga facebook posts kasama ang mga players ng elasto painters.
Hindi lamang ang ROS ang na-popromote kundi pati ang buong liga. At nakukuha niya hindi lamang ang mga viewers ng PBA kundi pati ng millenials/gen z sa social media.