Alhada Basketball Summer Cup 2026

Alhada Basketball Summer Cup 2026

Share

ALHADA BASKETBALL SUMMER CUP – COMEBACK DIVISION 2026
Where the game brings the community together. 🏀

29/08/2026

🫡

29/08/2026

🤙

29/08/2026

CLARIFICATION & FRIENDLY REMINDER

Bilang inyong Official Trusted Committee of this League, nais muna naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat.

Hindi magiging maayos at matagumpay ang kasalukuyang takbo ng ating liga kung hindi dahil sa kooperasyon ng bawat isa—lalo na ng ating mga Team Managers, players, participants, at siyempre, ng ating mga Officials.

Malaking bahagi ng maayos na takbo ng liga ang ating mahigpit ngunit patas na pagpapatupad ng mga rules at agreements na sama-sama nating napagkasunduan.

Ngayong papalapit na ang pagbubukas ng ating Semi-Strong Division, nais lamang naming magbigay ng isang mahalagang paalala.

Sana ay maunawaan ninyo na ang pangunahing layunin ng Committee ay panatilihing maayos, patas, at consistent ang bawat desisyon. Ayaw nating dumating sa punto na tayo mismo ang sisira sa mga patakaran at kasunduang ginawa natin para sa ating liga.

Ang hinihingi lamang namin ay ang inyong kooperasyon at paggalang sa mga opisyal na desisyon ng Committee.

Nauunawaan namin na maaaring magkakaiba tayo ng pananaw, lalo na pagdating sa classification ng bawat manlalaro. Normal lamang na magkaroon ng magkakaibang opinyon. Ngunit hindi natin maaaring isakripisyo ang kapakanan at integridad ng buong liga para lamang mapagbigyan ang pansariling interes ng isang team.

Isipin din po natin: Ano ang mangyayari sa liga kung pagbibigyan natin ang bawat kahilingan dahil lamang pabor ito sa isang partikular na team?

Dito nawawala ang consistency at fairness na pinagsisikapan nating panatilihin.

Hinihiling din namin na iwasan sana natin ang pagpapakalat ng mga hindi kumpirmadong impormasyon, issues, o haka-haka na maaaring makasira sa reputasyon at samahan nating mga taga-Alhada Military Hospital.

Hangga’t walang inilalabas na OFFICIAL STATEMENT ang Committee sa ating official page, huwag po sana tayong basta maniwala o magpakalat ng anumang balita.

Mas mabuting magtanong at maghintay ng opisyal na clarification kaysa makapagpakalat tayo ng impormasyong hindi naman kumpirmado at mauwi ito sa hindi pagkakaunawaan o maling paghihinala sa ating kapwa.

Sa huli, nais naming ipaabot ang aming malaking pasasalamat sa inyong pang-unawa, respeto, kooperasyon, at patuloy na suporta sa ating liga.

Ang tagumpay ng liga ay hindi lamang tagumpay ng Committee—tagumpay ito nating lahat.

Isang malaking SHOUT-OUT sa inyong lahat! 🫡🏀

Mabuhay po kayo at mabuhay ang ating liga!

28/08/2026

💪

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Taif?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Taif