Barangay Bantug, Talavera N.E

Barangay Bantug, Talavera N.E Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Bantug, Talavera N.E, bantug, Talavera Nueva ecija, Talavera.

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa ating butihing Mayor Hon. Aries Vincent Patrick Lim, kasama ang mga kagalang-galan...
22/09/2026

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa ating butihing Mayor Hon. Aries Vincent Patrick Lim, kasama ang mga kagalang-galang na Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ng ating Vice Mayor Hon. Nerito Santos Jr., sa pagkilala at pagpapahalaga sa B.E.S.T. BARANGAY 2026 AWARD na iginawad sa aming Barangay Bantug.

Ang parangal na ito ay isang malaking karangalan at inspirasyon sa aming buong barangay. Maraming salamat po sa inyong pagkilala sa aming mga pagsisikap at sa patuloy na suporta sa aming barangay.

Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa aming mga lingkod-bayan, kundi para sa buong Barangay Bantug na patuloy na nagkakaisa sa paglilingkod at pag-unlad.

Maraming salamat po at mabuhay ang Barangay Bantug! 🏆

Maraming Salamat po Vice Mayor Hon. Nerito Santos Jr sa pinahiram nyo pong pang Grader sa amin upang maisa-ayos ang daan...
22/09/2026

Maraming Salamat po Vice Mayor Hon. Nerito Santos Jr sa pinahiram nyo pong pang Grader sa amin upang maisa-ayos ang daan sa Barangay Bantug Purok 6 Bacood papuntang Anias. Muli Salamat po at Godbless sa ating lahat😇

Isang makabuluhang araw para sa ating Barangay! 😇Walang pagsidlan ng tuwa at kagalakan ang aming mga puso sa natanggap n...
16/09/2026

Isang makabuluhang araw para sa ating Barangay! 😇

Walang pagsidlan ng tuwa at kagalakan ang aming mga puso sa natanggap na pagkilala para sa ating Barangay BANTUG, bilang isa sa mga passers ng BEST BARANGAY 2026 (Barangay Excellence in Service and Transparency for Barangay).

Ang pagkilalang ito ay bunga ng sama-samang pagtutulungan, dedikasyon, tiyaga, at suporta ng bawat isa.

Buong puso nating pinasasalamatan ang Sangguniang Barangay, sa pangunguna ng ating Punong Barangay Hon. Miguel Baldomero , sa patuloy na pagbibigay ng suporta at tiwala sa ating Barangay Secretary, Vanesa Santos Bondoc, at Barangay Treasurer, Vergie Calica Aisporna .

Ang kanilang mga pagsisikap, pagpupuyat, pag-o-overtime, pagtitiyaga at walang sawang pagtatrabaho upang maayos na maisakatuparan ang kanilang mga tungkulin ay tunay na kahanga-hanga. Higit sa lahat, naging posible ang pagkilalang ito dahil sa pagtutulungan ng buong Sangguniang Barangay at ng ating mga kawani.

Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa iilan, kundi para sa buong Barangay BANTUG. Isang patunay na kapag tayo ay nagkakaisa at nagtutulungan, marami tayong kayang makamit.

Mabuhay ang Barangay BANTUG!
Congratulations sa ating lahat! 🎉👏

Magandang hapon po. Sa nahulugan o nawawalan po ng susi. Mangyari na mag punta at kunin na lamang po sa ating tanggapan ...
15/09/2026

Magandang hapon po. Sa nahulugan o nawawalan po ng susi. Mangyari na mag punta at kunin na lamang po sa ating tanggapan ng Barangay Bantug, Talavera N.E . Salamat po

Magandang araw po. Sa mga pangalan na naka-lahad sa ibaba, sa mga hindi pa po nakaka-claim nang 2325 Presidential Assist...
14/09/2026

Magandang araw po.
Sa mga pangalan na naka-lahad sa ibaba, sa mga hindi pa po nakaka-claim nang 2325 Presidential Assistant ay pwede nyo pa po ito ma-claim. Maraming salamat po!

Date: September 16, 2026.
Time: 7:00am
Where: Calipahan Gym.

📢 PAALALA SA MGA UNCLAIMED UPLIFT BENEFICIARIESGood morning po!Narito po ang listahan ng mga Unclaimed UPLIFT Beneficiar...
10/09/2026

📢 PAALALA SA MGA UNCLAIMED UPLIFT BENEFICIARIES

Good morning po!

Narito po ang listahan ng mga Unclaimed UPLIFT Beneficiaries na may nakatakdang Pay-out sa September 12, 2026 (Sabado), alas-8:00 ng umaga sa Municipal Gymnasium.

📌 Mahalagang Paalala:
Para sa mga kabilang sa listahan, mangyaring magdala ng:

✅ Valid ID (Original)
✅ 3 photocopies ng Valid ID

Maraming Salamat po Godbless

Magandang Umaga mga KabarangayWhat : AICS PAYOUT When: Sept. 11, 2026 @ 8:00amWhere: Brgy. Pag-Asa gymSa mga pangalan po...
10/09/2026

Magandang Umaga mga Kabarangay

What : AICS PAYOUT
When: Sept. 11, 2026 @ 8:00am
Where: Brgy. Pag-Asa gym

Sa mga pangalan po na nasa listahan, magtungo na lamang po sa nasabing petsa at lugar at mag dala po ng inyong VALID ID.

Maraming salamat po, Godbless 😇

🩸 BLOOD LETTING ACTIVITY 2026 🩸Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa isang makabuluhang Blood Letting Activity na gaganap...
09/09/2026

🩸 BLOOD LETTING ACTIVITY 2026 🩸

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa isang makabuluhang Blood Letting Activity na gaganapin sa:

📅 September 10, 2026 (Huwebes)
⏰ 8:00 AM – 3:00 PM
📍 Mayor’s Hall, Talavera, Nueva Ecija

Ang inyong isang donasyon ng dugo ay maaaring maging malaking tulong sa mga pasyenteng nangangailangan. Halina’t makiisa at maging bahagi ng gawaing nagliligtas ng buhay.

Isang patak ng dugo, isang buhay na maaaring mailigtas.

Tara na at magbigay ng dugo para sa kapwa!

MATAGUMPAY NA PAGPAPAMAHAGI NG SCHOLARSHIP ASSISTANCEIsang makabuluhang araw para sa ating limang batang mag-aaral na ma...
07/09/2026

MATAGUMPAY NA PAGPAPAMAHAGI NG SCHOLARSHIP ASSISTANCE

Isang makabuluhang araw para sa ating limang batang mag-aaral na matagumpay na nakatanggap ng ₱20,000 scholarship assistance bawat isa.

Taos-puso ang aming pasasalamat sa ating minamahal na Pangulo, Hon. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa patuloy na pagbibigay ng suporta at oportunidad para sa ating mga kabataang nagsusumikap sa kanilang pag-aaral.

Sa ating mga mahal na iskolar, gamitin ninyo ang tulong na ito nang wasto at maging inspirasyon sana ito upang lalo kayong magsikap sa inyong pag-aaral. Huwag kayong susuko sa inyong mga pangarap. Patuloy na mangarap, mag-aral nang mabuti, at maging mabuting halimbawa sa inyong kapwa kabataan. Nawa'y ang munting tulong na ito ay maging daan upang mas mapalapit kayo sa inyong mga pangarap at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Maraming salamat po, Mahal na Pangulo, sa malasakit at suporta para sa edukasyon at kinabukasan ng ating kabataan!

Para sa kabataan. Para sa edukasyon. Para sa mas magandang kinabukasan.

Maraminf Salamat po Godbless a ating lahat😇

Address

Bantug, Talavera Nueva Ecija
Talavera
3114

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Bantug, Talavera N.E posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share