09/08/2026
Bagong simula, bagong kooperatiba sa Sta. Maria, Bulacan! ✨
Nagsanib-puwersa ang Phase 1 at Phase 2 ng Pagsikat Place Prime East para ibuo ang Pagsikat Prime Consumers Cooperative! 🤝
Matagumpay na isinagawa ang Pre-Registration Seminar sa tulong ng Cooperative Development Authority (CDA).
Sa pamamagitan ng sarili nilang negosyo at kooperatiba, mas madali nang matutugunan ng pamilyang Pagsikat ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Basta sama-sama, mas maginhawa ang bukas ng buong komunidad! 💛
07/08/2026
Nagsimula na ang MaPa Kids Program! 👨👩👧👦
Ginanap ng Joy~Nostalg Foundation (JNF) at MaPa Organization ang unang face-to-face session ng Module 1: One-on-One Time with Your Child sa Pasinaya Homes West, Naic, Cavite. Ang mga MaPa Organization facilitators ang namuno sa sesyon, kasama ang suporta ng JNF sa pagpapatupad ng programa.
Sa unang sesyon, nagtakda ang bawat pamilya ng kanilang Family Goals at natutunan ang tatlong pundasyon ng One-on-One Time:
💛 Araw – Maglaan ng hindi bababa sa 5 minuto bawat araw kasama ang iyong anak.
🎲 Laro – Hayaan ang iyong anak na pumili ng inyong gagawin o pag-uusapan.
👀 Atensyon – Ibigay ang iyong buong atensyon at iparamdam na mahalaga siya.
Sa simpleng paglalaan ng oras, pakikinig, at pakikipaglaro, mas napapalalim ang tiwala at koneksyon sa loob ng pamilya—isang mahalagang pundasyon para sa positibong pagpapalaki ng mga anak. 🌱
Sama-sama nating binubuo ang mas masaya, mas matatag, at mas mapagmahal na pamilyang Pilipino! 💙
05/08/2026
Behind every meaningful program are facilitators who continue to learn, grow, and serve. 🤍
Nagkaroon ng coordination meetings kasama ang Basic Family Formation (BFF) facilitators sa Cavite at Bulacan upang talakayin ang mga updates sa programa at maghanda para sa ikalawang batch ng implementasyon.
Ginanap din ang evaluation meeting kasama ang MaPa Teens facilitators sa Bulacan upang balikan ang mga karanasan at tukuyin ang susunod na hakbang para sa patuloy na pagpapabuti ng programa.
Sa bawat paghahanda at pagninilay, lalong napapalakas ang kakayahan naming maghatid ng makabuluhang pagbabago para sa mga pamilya at komunidad. 🌱
03/08/2026
Officially Registered, Officially Empowered! 🎉
Three community organizations in Magalang, Pampanga are now officially registered with the SEC:
Pasinaya Homes Sports Organization (PHSO)
PPMP – Eco Warriors Organization
Alliance for Safe and Resilient Communities
This milestone was made possible through the dedication of each organization's officers, with guidance and support from Joy~Nostalg Foundation (JNF) throughout the process.
Now recognized as legal entities, these organizations are ready to plan and implement projects aligned with their advocacies—creating lasting benefits for homeowners and the community.
JNF remains a steadfast partner, providing guidance and capacity-building support as these organizations pursue their shared vision: matatag, panatag, at maginhawang komunidad. 🏠
Together, we build a brighter future for Magalang, Pampanga. ✨
02/08/2026
Ang tunay na paglilingkod—hindi lang gawa ng mga kamay, usapin din 'to ng puso. 💛
Sa bawat pagkakataong nakikinig tayo, nakikiisa, at nagbibigay-puwang para sa iba, lumalago tayo. Hindi lang bilang komunidad, kundi bilang mga taong may malalim na pananampalataya at malasakit. 🙏
Ang spiritual development ay hindi nagaganap sa pag-iisa. Nahuhubog 'yan sa ating pakikipagkapwa, sa pagpapakumbabang makinig, at sa kagalakang maglingkod nang walang hinihintay na kapalit. ✨
Sama-samang naglilingkod, sama-samang umaangat. 🤝
01/08/2026
Empowering Through Digital Opportunity 💻
Joy~Nostalg Foundation (JNF), in partnership with JCI Manila – Tech Moms, held a Virtual Assistant Workshop in Naic, Cavite.
Homeowners and community members learned the foundational skills and tools needed to start a career in virtual assistance—opening doors to flexible, home-based income opportunities.
This initiative reflects JNF, JCI Manila – TechMoms' shared commitment to equipping communities, especially mothers and women, with digital skills to thrive in today's economy. ✨
30/07/2026
Celebrating the Cooperative Spirit! 🤝
Joy~Nostalg Foundation and Greenfield Community Agriculture Cooperative (GCAC) joined CDA Region 4A's International Day of Cooperatives celebration in Los Baños, Laguna.
GCAC was one of 20 cooperatives that signed a Memorandum of Agreement under CDA's Koop Kapatid Program—pairing established cooperatives with growing ones for mentorship and support. GCAC's "Big Brother" Yakap at Halik Multipurpose Cooperative – Cavite (YHMPC-CAV), known for championing organic farming and empowering local farmers.
This partnership marks another step in GCAC's journey toward becoming a stronger, more resilient cooperative—creating real opportunities for its members and community. 🌱
Proud moment for GCAC, and proof of what's possible when people work together toward a common goal. ✨
29/07/2026
Ang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan ay nagsisimula bago pa man makuha ang susi nito. Nagsisimula ito sa paghahanda, financial wisdom, at ang tamang gabay. 🔑
Sa pamamagitan ng Home Empowerment Learning Program (HELP) sa hopeful.ph, mahigit 130,000 Filipino families na ang nakabuo ng financial at housing literacy na kailangan para makamit ang sustainable na tahanan.
At ang pinaka-maganda pa? Ito ay completely digital, flexible, at libreng ma-access sa sarili mong pace.
Mag-register na at simulan ang iyong journey tungo sa homeownership ngayon! 🏠✨
28/07/2026
A strong organization isn't built by programs alone—it's built by people who know, understand, and work with one another. 🤝
To strengthen participation among HOAs, Cooperatives, and CSOs, JNF held a Team Building Seminar for Cluster 1 communities in Cavite (Pasinaya Homes 1-Central, West, North, and Pagsibol Village 1&2)—creating a space where members connected, built trust, and became more active partners in community development.
The journey unfolded through three dimensions:
🧠 KAMALAYAN — It starts with knowing one another.
💭 ISIP — Connection grows into understanding.
🙌 KATAWAN — Understanding becomes action.
When people feel they belong, they participate. And when they participate, communities grow stronger. ✨
27/07/2026
Dati, akala ni Pearl ay ang mahigpit na disiplina ang susi sa magandang pagpapalaki — kaya sa bawat pagkakamali ng mga anak niya, mabilis siyang manita.
Sa tulong ng mga Family Development Programs ng Joy~Nostalg Foundation, natutunan ni Pearl na ang disiplina ay hindi laging sigaw o parusa — kundi mahinahong pag-uusap. Ngayon, may house rules na sinusunod ang mga anak niya. Pinupuri niya na rin ang mga anak niya sa kanilang mga ginagawa, at sa bawat "good job" ay nagpapagaan ng loob nila — dahil sa isang tahanang natutong makinig, mas mahinahon nang lumalaki ang mga bata, at mas malapit ang pamilya sa isa't-isa. 💛
Ito ang tahanang mas mapayapa — hindi perpektong pamilya, pero binubuo ng mga miyembrong nakikinig. 👨👩👧👦💛