JKKK Security Agency Inc.

JKKK Security Agency Inc.

Share

JKKK Security Agency Inc. is authorized by the Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNPSOSIA).

18/08/2026

Kawawa naman ang kasamahan nating 59.

17/08/2026

Mag-ingat po sa duty ka-59. Kung sila may Work-From-Home, tayo may Work-From-Baha. ‘Wag magpaka-Aquaman. Wala kang palikpik. Safety first.

15/08/2026

Sa mga applicants po, pasensya na po hindi namin kayo narereplyan agad. Dagsa po kasi messages. Sa Lunes po balikan namin kayo. Maglalaba lang po habang maaraw na. Naubusan na po kasi ng panty si admin. Happy weekend!

14/08/2026

Hindi na stick ang drawing, may budget na kami sa graphic artist. 😅

Join our team, mga bebeloves! Baka mahanap niyo ang forever sa Boracs.

Urgent hiring lady guards for Boracs!

Contact Ms. Cristine at 09273321291.

14/08/2026

🎉 Happy Birthday, Sir Sonny! 🎂🥳

14/08/2026

PAALALA mga ka-59

Masama man ang panahon, DTR dapat good condition. ‘Wag hayaang ang ulan ang maging dahilan para madelay ang sahod. Submit it on time.

13/08/2026

Sa mga nagtatanong:
Hanggang Agosto 25, 2026 po ang deadline ng entry sa JKKK Tawag ng Tanghalan-Online Edition. Wag naman po sanang kantang lasing. Baka imbes na Tawag ng Tanghalan, maging Tawag ng Tanggalan.

13/08/2026

PATALASTAS

Calling all our JKKK security personnel! 🫡

Dahil sa dami ng negatibong balita ngayon sa bansa, gusto nating makapagbigay ng saya kahit papano sa ating mga security personnel habang pinapakita ang kanilang talento. Malay niyo ma-discover kayo. Hindi porket nasa security industry ay walang karapatang magpakita ng talento.

Magkakaroon tayo ng JKKK Tawag ng Tanghalan – Online Edition! 🎤🔥

Sa mga willing at gustong sumali, magsend lang kayo ng video entry kay Admin.

IMPORTANT: Please make sure na hindi during duty kukunan ang video para hindi tayo mapagalitan ng client natin. 😅

📌 Mechanics:
✅Mag-send ng video entry kay Admin.
✅Ipo-post natin ang mga entries sa official page.
✅Automatic ₱500 ang bawat valid entry! 💰
✅Ang mananalo ay ibabase sa pinakamaraming Likes, Shares, at Comments.
✅At syempre… may exciting prizes para sa winners! 🏆🎉🎤💃🕺

Good luck and let's have fun! ❤️

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Pasig?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Maybunga
Pasig
1608