Development Studies Society

Development Studies Society

Share

est. 1997 โ€ข Ang Opisyal na Pang-Akademikong Organisasyon ng Araling Pangkaunlaran ng Unibersidad ng Pilipinas, Maynila

The Development Studies Society is an organization based in the University of the Philippines Manila which aims to recognize and promote the welfare of the Development Studies students, protect and uphold the rights of the student body, and commit the organization to the ideals of academic excellence, human rights, social justice and nationalism. Ang teoryang hindi tinatambalan ng praktika ay baog. Ang praktikang hindi ginagabayan ng teorya ay bulag.

20/08/2026

๐—ก๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—ž๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š ๐—ก๐—š ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—˜๐—›๐—ข ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š-๐—”๐—”๐—ฅ๐—”๐—Ÿ ๐—”๐—ง ๐— ๐—š๐—” ๐—ข๐—ฅ๐—š๐—”๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก ๐—ฆ๐—” ๐—ž๐—”๐—ฆ: ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—š๐—”๐—ก ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—”๐—ง ๐— ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ ๐—›๐—œ๐—ก๐—š๐—š๐—œ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—™๐—ข๐—ฅ๐—จ๐—  ๐—ก๐—š ๐—–๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—” โ€œ๐—ฆ๐—”๐—™๐—˜ ๐—–๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ: ๐—”๐—–๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—ง๐—›๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ง ๐—”๐—ก๐—— ๐—ฆ๐—›๐—ข๐—ข๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—˜๐——๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—–๐—ข๐—Ÿ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—˜ ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—˜๐—ก๐—ง๐—ฆโ€

โ€ผ๏ธ TRIGGER WARNING: Mentions of gun violence in schools and universities. โ€ผ๏ธ

Sa kakatapos lamang na dayalogo ng Konseho ng mga Mag-aaral ng KAS sa administrasyon ng Kolehiyo, malinaw na nakita ang kabiguan nitong konsultahin ang sangkaestudyantehan at ang mga lehitimong kinatawan nito bago magpatupad ng programang direktang nakaaapekto sa ating seguridad at kapakanan. Sa dayalogo ng Konseho at administrasyon, kinilala mismo ang kakulangan sa konsultasyon, ngunit ipinagtanggol ang pagpapatuloy ng programa dahil umano sa urgent na kahilingan ng mga magulang at sa โ€œunethicalโ€ na pagkansela sa aktibidad matapos magbigay ng kumpirmasyon ang mga speaker. Ngunit ang urgency ay hindi lisensya upang lampasan ang demokratikong proseso. Kung may panahon upang magplano, mag-imbita ng tagapagsalita, at maghanda ng programa, may panahon ding kumonsulta sa mga estudyanteng direktang maaapektuhan nito.

Mas lalong kailangang suriin ang paglahok ng isang uniformed state security force (Philippine Coast Guard) sa loob ng pamantasan. Maaaring sabihin ng administrasyon na hindi ito programa para sa militarisasyon, ngunit hindi sapat ang deklarasyon ng intensyon upang burahin ang lehitimong pangamba sa epekto ng presensya ng armadong institusyon ng estado sa isang akademikong espasyo. Ang tanong ay hindi lamang kung โ€œmilitarisasyonโ€ ba ang tawag dito, kundi kung bakit patuloy na itinuturing na kinakailangang bahagi ng campus safety ang mga armadong institusyon, habang isinasantabi ang boses ng mismong mag-aaral ng Unibersidad, lalong lalo na sa kasaysayan ng presensya ng mga uniformed personnel sa Pamantasan. Katulad na lamang ni Cobbie Jan Canda at mga kasamahan nito sa rehiyon ng UP Mindanao na patuloy ang paniniktik ng kapulisan kung saan nilagay sa โ€œwanted active personsโ€ ang mga kabataang aktibista.

Tinututulan namin ang isang security framework na nag-nonormalisa sa presensya ng mga armadong puwersa sa kampus at sabay na ipinapasa sa mga estudyante ang bigat ng paghahanda para sa karahasang dapat pinipigilan ng institusyon. Hindi sapat na turuan ang kabataan kung paano tumugon sa isang shooting habang hindi sapat ang pagtutok sa prevention, mental health services, counseling, psychosocial support, student welfare, at regulasyon sa akses sa armas. Ang campus safety ay hindi dapat maging simpleng โ€œsurvival trainingโ€ para sa mga estudyante. Hindi responsibilidad ng kabataan na maghanda para sa kabiguang maprotektahan ng Unibersidad ang kanilang nasasakupan.

Tinututulan din ng Konseho ang pananaw na sapat nang magkaroon ng konsultasyon โ€œsa susunod.โ€ Ang konsultasyon ay hindi dapat maging damage control matapos mailabas ang isang kontrobersyal na programa. Ito ay karapatan ng sangkaestudyantehan at kinakailangang bahagi ng demokratikong proseso sa pag-organisa ng Pamantasan. Ang boses ng mga mag-aaral ay hindi dapat pakinggan lamang kapag tapos na ang desisyon.

Sa halip na gawing sentro ng campus safety ang presensya ng uniformed state forces, nananawagan kami para sa holistiko, maagap, nakasentro sa mag-aaral, at demokratikong sistema ng seguridad. Palawakin at gawing aksesible ang mental health at counseling services, palakasin ang psychosocial at emergency response mechanisms, bumuo ng malinaw na prevention protocols, at tiyaking may sapat na suporta sa mga estudyanteng nangangailangan nito. Ipaglaban ang mahigpit na regulasyon sa akses at pagmamay-ari ng armas at tugunan ang mga ugat ng gun violence, hindi lamang ang mga sintomas nito.

Higit sa lahat, hinihingi namin ang institusyonalisadong konsultasyon sa CASSC at mga organisasyon ng mag-aaral para sa lahat ng programang may direktang epekto sa seguridad at kapakanan ng sangkaestudyantehan. Ang commitment ng administrasyon na kumonsulta sa mga susunod na programa ay dapat maging aktuwal na pagbabago sa proseso, hindi lamang pangako matapos ang isang lapse.

Ang tunay na ligtas na kampus ay hindi nasusukat sa dami ng unipormadong puwersang ipinapasok dito. Nasusukat ito sa lawak ng serbisyong naibibigay, sa lakas ng mekanismong pumipigil sa karahasan at kultura ng impunidad, at sa lawak ng demokratikong partisipasyon ng mga taong bumubuo sa pamantasan. Ang KAS ay para sa malayang pagkatuto at paglaya ng kaisipan, hindi para sa normalisasyon ng presensya ng mga armadong puwersa ng estado. ๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ฎ ๐—น๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ผ, ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฑ๐—ฒ๐—บ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ, ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—ฑ๐—ฒ๐—บ๐—ผ๐—ธ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ธ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—จ๐—ป๐—ถ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ!

MULI, MARIING NANANAWAGAN ANG SANGKAESTUDYATEHAN NG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS MANILA NA IHINTO ANG GAWAING FORUM NG CAS NA โ€œSAFE CAMPUS: ACTIVE THREAT AND SHOOTING PREPAREDNESS TRAINING FOR COLLEGE STUDENTSโ€

MILITAR SA PAMANTASAN, PALAYASIN! UPHOLD UP-DND ACCORD

Photos from UP Manila University Student Council's post 20/08/2026

PAHAYAG NG KONSEHO NG MGA MAG-AARAL NG UP MANILA, ORGANISASYON, AT MGA LOKAL NA KONSEHO HINGGIL SA PAGPAPAPASOK SA MGA PUWERSANG ESTADO SA LOOB NG PAMANTASAN

Noong Agosto 19, naglabas ng imbitasyon ang administrasyon ng Kolehiyo ng Agham at Sining hinggil sa forum na pinamagatang โ€œSAFE CAMPUS: Active Threat and Shooting Preparedness for College Studentsโ€ sa August 25, kung saan nakapaloob dito ang โ€œactive threat and shooting incident preparednessโ€ na siyang tahasang kinikilala ang pagpapasok ng armas sa loob ng pamantasan.

Kanina, 1 PM ng Agosto 20, namataan ang mga pwersa ng estado na may hawak na baril at rifle sa loob at paligid ng UP Manila. Patuloy na nagpapagala-gala ang mga kapulisan na siyang nagpapahiwatig ng pagbabanta sa mga mag-aaral ng UP Manila. Dagdag pa rito, ang pagmamatyag at matagal na presensya ng police mobile sa gate ng Pedro Gil.

Mariing kinukundena ng Konseho ng Mag-aaral ng UP Manila, mga organisasyon, at mga lokal na konseho ang pagpapapasok at patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga armadong puwersa ng estado ng admin sa loob ng UP Manila. Ang parehas na pagpapapasok ng pwersa ng estado ay hindi man lang nakaabot sa mga mag-aaral, basta na lamang ito pinahintulutan ng administrasyon. Hindi SAFE CAMPUS ang pamantasan kung pinapapasok nito ang mga pasistang militar na siyang kumitil sa buhay ng mga mamamayang Pilipino na ipinaglalaban lamang ang karapatan. Gayundin sa forum na isasagawa, ito ay hindi tunay na lulutas sa patuloy na represyon at paglala ng kultura ng pamamasismo na pinasisimulan ng AFP at PNP! Hindi SAFE CAMPUS ang pamantasan kung ang mismong kapulisan ay may hawak na baril at umaaligid sa loob pa mismo ng tambayan ng mga mag-aaral!

Sa administrasyon ng UP Manila at ng Kolehiyo ng Agham at Sining, dinggin niyo ang mga mag-aaral na patuloy na pinaglalaban ang aming karapatan sa akademikong pangkalayaan. Ang pagpapapasok ng pasistang pwersang estado ay tahasang pag-apak at pagpapasidhi ng mga banta sa ating akademikong pangkalayaan. Walang lugar ang kahit anong uri ng karahasan, pamamasismo, at pag-apak sa demokratikong karapatan sa UP Manila!

Ang sigaw ng mga mag-aaral ng UP Manila: UPHOLD UP-DILG ACCORD! REINSTATE UP-DND ACCORD! MILITAR SA PAMANTASAN, PALAYASIN!

Signatories:
UP Manila University Student Council
UP Office of the Student Regent
KASAMA SA UP

League of College Student Councils
UP Manila College of Arts and Science Student Council (CASSC)
UP Manila College of Dentistry Student Council (DSC)
UP Manila College of Allied Medical Professions (CAMPSC)
Nursing Student Council (NSC)
College of Public Health Student Council (CPHSC)
UP Pharmaceutical Association Student Council (UPPhA SC)
UP Medicine Student Council (MSC)

Coalition of Organizations, Fraternities, and Sororities
Sulong UP Manila
Kabataan Partylist - UP Manila
League of Filipino Students UP Manila
Sigma Delta Pi Sorority - UP Manila
UP Sigma Kappa Pi Fraternity - Manila
NNARA Youth - UP Manila
Gabriela Youth UP Manila
Agham Youth UP Manila
UP Vector
Development Studies Society UP Manila
Kabataan para sa Tribung Pilipino - UP Manila Chapter
UP Manila Sining at Kalinangang Lahi
UP Manila Pre-Law Society
Samahan ng mga Progresibong Iskolar na Naglalayong Makinig at Makisandig (SANDIG)l
Pangkalusugang Lingkod Bayan
UPCD Proxima

Photos from UP Manila University Student Council's post 18/08/2026

LUBOG NA NAMAN ANG SAMBAYANAN! LUSOB PARA SA PANANAGUTAN!

Binabaha na naman ang mga kalsada ng Taft Avenue at kalakhan ng Maynila nang dahil sa kawalang pananagutan ng gobyerno at kapalpakan sa kanilang flood control projects. Ang mga lungsod at komunidad ay lubog, at ang mga mamamayan ay napipilitang lumusong sa baha, habang sina Marcos Jr. ay naghahari-harian sa palasyo ng Malacaรฑang, ipinagsasawalang-bahala ang mga mamamayang patuloy niyang nilulubog sa kahirapan.

Kamakailan lamang ay kinaltasan ang budget allocation sa buong University of the Philippines (UP) System mula 29.5 billion ngayong 2026 hanggang โ‚ฑ26.5 billion sa susunod na taon. Kadugtong dito ang pagkaltas din ang pondo para sa Philippine General Hospital sa kabila ng kakulangan sa maayos na pasilidad at mababang pasahod para sa mga healthcare workers.

Sa pagkaltas ng pondo para sa sektor ng edukasyon at pangkalusugan, lumobo naman ang pondo na nilaan sa DPWH para sa mga proyektong pang-imprastraktura gaya na lamang ng kadusta-dustang flood control projects na hindi naman nadarama ng mga mamamayang Pilipino. Gayundin ang pondo para sa mga ahensya para sa disaster preparedness ay kinaltasan din sa 2027 National Expenditure Program. Mula rito, malinaw na ang tindig ni Marcos Jr. ay hindi para pagsilbihan ang mga mamamayan nito.

Mariing kinukundena ng konseho ng mag-aaral ng UP Manila ang kawalang bahala at pananagutan ng administrasyon ni Marcos Jr. sa paglustay at misalokasyon ng pondo ng mamamayan. Isang taon na ang nakalilipas mula sa palpak na flood control, subalit wala pa ring nakukulong sa mga sangkot sa korapsyon at patuloy ang pagbaha sa mga komunidad.

Sa kabila ng mga banta at hamon na ito, patuloy na susuong ang mga hanay ng kabataan upang itaguyod ang karapatan ng mga mamamayan at panagutin ang mga nasa itaasโ€“mananatiling iskolar ng bayan na patuloy na lalaban at para sa bayan. Tuloy-tuloy ang pag-oorganisa at militanteng pagkilos hanggaโ€™t hindi nananagot ang mga nanunungkulan tulad ni Marcos Jr. na walang ibang ginawa kundi ilubog sa kahirapan ang mga mamamayang PIlipino.

Inaanyayahan natin ang mga iskolar ng bayan na makiisa at kumilos! Magmulat, patuloy na makialam, at sumandig sa masang nangangailangan sa hagupit ng panahon.

Ang UP Manila University Student Council ay kasalukuyang nangangalap ng donasyon (monetary or in-kind) para sa mga kababayan natin na apektado ng sakuna.

Monetary donations:
GCASH, GoTyme
018849742206 (Aeron Kim D.S.)

MariBank
19896906126 (Ian Brenard M.)

In-kind donations
Sa in-kind donations, maaaring umugnay sa UPM USC email ([email protected]) o maaaring magmessage sa FB page na ito upang makipag-ugnayan.

16/08/2026

Ang pagbabalik sa klase ay hindi lamang pagbabalik sa akademiko kundi isang panawagan sa mga suliraning kinakaharap ng ating lipunan. Kabilang dito ang kakulungan sa kaukulang badyet at espasyo para sa mga mag-aaral ng UP System. Muling itatambol ang mga pasanin ng mga mamamayan: mula sa patuloy na pagbaha, paglulunsad ng Pax Silica, hanggang sa patuloy na pag-angkin ng lupang ninuno at lupang sakahan ng pasistang estado.

Kasabay nito, nararanasan ng bansa ang malubhang krisis sa ekonomiya na nagpapahirap sa bawat mamamayan dahil sa mababang sahod at mataas na presyo ng mga bilihin. Hindi na sapat ang kinikita ng mga manggagawa para sa nakabubuhay na antas ng pamumuhay dahil sa talamak na kontraktwalisasyon at kawalan ng pambansang industriyalisasyon. Ang araw-araw na kita ay mabilis na nilalamon ng nagtataasang pamasahe, bayad sa kuryente, at tubig habang ang presyo ng mga pangunahing pagkain ay patuloy na hindi naaabot ng ordinaryong pamilya. Ito rin ang realidad ng mga magsasaka sa kanayunan, na sadlak pa rin dahil sa kawalan ng lupa na ninakaw ng mga panginoong maylupa at komprador. Lumalala rin ang pamamasista ng estado sa kanayunan na siyang sanhi ng kapahamakan at pagpaslang sa mga lider-magsasaka at peasant advocates tulad nila Maureen Santuyo at Alyssa Alano sa Toboso, Negros Occidental.

Kamakailan lamang, ibinida sa SONA ang paglulunsad ng Pax Silica na makatutulong diumano sa pagbibigay ng maraming trabaho at pagpapaunlad ng industriya. Gayunpaman, ito ay sumasalamin sa patuloy na pagsunod ng administrasyong Marcos sa imperyalistang interes at isinasawalang-bahala ang mga mamamayan na nais nitong paglingkuran. Bukod pa rito, patuloy pa rin ang impeachment trial ni Sara Duterte at hindi pa rin napananagot sa paggastos ng pondo ng bayan.

Dagdag pa rito, bitbit natin ang panawagan na tumutugon sa lumalalang panunupil sa akademikong kalayaan at karapatan ng mga estudyante na matuto kasama ang mamamayan. Bahagi ng malayang edukasyon ang pagkakaroon ng sapat na espasyo para sa community integrations at practicum, kung saan naiuugnay ng mga estudyante ang kanilang mga natutuhan sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan sa pamamagitan ng pakikipamuhay at pag-aaral ng kongkretong kalagayan ng lipunan. Sa halip na hadlangan ang mga ganitong proseso, nararapat na suportahan ang mga espasyong nagpapalalim sa kritikal na pagkatuto at pakikipag-ugnayan ng mga estudyante sa ibaโ€™t ibang sektor ng lipunan at mula sa realidad ng sambayanan.

๐—ž๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿณ, ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐˜†๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฒ๐˜€๐˜๐˜‚๐—ฑ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ผ๐—ป๐—ด-๐—น๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐˜€๐—ฎ ๐—™๐—ถ๐—ฟ๐˜€๐˜ ๐——๐—ฎ๐˜† ๐—ฅ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ. Magtipon tayo upang ipanawagan ang sapat na pondo para sa kalusugan at edukasyon, at wakasan ang lumalalang krisis sa pampublikong serbisyo. Higit sa lahat, pagkakataon itong pag-isahin ang tinig ng kabataan at ng mas malawak na masaโ€” mga manggagawa, magsasaka, at katutubo sa paglaban para sa tunay na pambansang demokrasya at katarungang panlipunan.

11:00 AM | CAS Tambayan
12:50 PM | PGH Oblation Plaza

Pag-isahin natin ang ating mga lakas at tinig upang mag-alingawngaw ang mga hinaing at hiling ng masang Pilipino.

๐——๐—˜๐—™๐—˜๐—ก๐—— ๐—”๐—–๐—”๐——๐—˜๐— ๐—œ๐—– ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜๐——๐—ข๐— !
๐— ๐—”๐—ฅ๐—–๐—ข๐—ฆ, ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—š๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก!
๐——๐—จ๐—ง๐—˜๐—ฅ๐—ง๐—˜, ๐—ฃ๐—”๐—ก๐—”๐—š๐—จ๐—ง๐—œ๐—ก!
๐—œ๐— ๐—ฃ๐—˜๐—ฅ๐—ฌ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐— ๐—ข, ๐—œ๐—•๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—ž!

Photos from Development Studies Society's post 15/08/2026

๐—ข๐—ผ๐—ฝ๐˜€๐˜€.. ๐—ข๐—ผ๐—ฝ๐˜€๐˜€โ€ฆ ๐—”๐—ป๐—ฑ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฎ! ๐Ÿ™Š๐Ÿ™Š

Sinalubong at dumaan na sa red carpet ang mga bagong Iskolar ng Bayan ng Araling Pangkaunlaran sa ating Salubong noong August 13, 2026! ๐ŸŽ‰๐Ÿฅณ

Mula sa pagtalakay ng curriculum, mga highlight at events na dapat nilang abangan, pag-aaral sa kasalukuyang lagay ng agrikulturaโ€™t edukasyon tungo sa ating fun and memorable games bilang pagsalubong sa kanilang paglalakbay sa Araling Pangkaunlaran! ๐Ÿคฉ

Handa na silang sumulong sa hamon ng panahon at sagutin ang tanong na โ€œ๐—ธ๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ผ?โ€

๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ถ, ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐—ธ๐—ผ๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป! ๐Ÿ”ป

09/08/2026

๐‘๐ž๐š๐๐ฒ ๐ง๐š ๐›๐š ๐š๐ง๐  ๐ซ๐ž๐ ๐œ๐š๐ซ๐ฉ๐ž๐ญ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐ซ๐ž๐ฌ๐ก๐ž๐ฌ๐ญ ๐Ÿ๐ซ๐ž๐ฌ๐ก๐ข๐ž๐ฌ? โญ๏ธ

Ngayong ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿญ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ay sasalubungin na ang mga bagong estudyante ng Development Studies Program na handa nang kumilos at suriin ang ugat ng problema ng lipunan tungo sa tunay na kaunlaran!

Sa DevSoc Salubong, you will get the gist and overview of whatโ€™s to come during your stay in DevStud! Mula sa mga highlight ng freshman year, hanggang sa mga tips paano ma-survive at mag-enjoy sa DevStud mula sa ating mga senior students!

Marami kang matututuhan sa DevStud, but one thing is for sure: lalo kang mamumulat sa kalagayan ng ating lipunanโ€”that the struggles of the broader masses are always connected to our struggles.

๐Ÿ—“๏ธ ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿญ๐Ÿฏ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
๐Ÿ•ฐ๏ธ ๐Ÿฎ:๐Ÿฏ๐Ÿฌ - ๐Ÿฑ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— 
๐Ÿ“ ๐—ฅ๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ฎ๐—น๐—น ๐Ÿฏ๐Ÿฌ๐Ÿฏ

๐Š๐š๐ฒ๐š ๐ข-๐ซ๐ž๐š๐๐ฒ ๐ง๐š ๐š๐ง๐  ๐ซ๐ž๐ ๐œ๐š๐ซ๐ฉ๐ž๐ญ, ๐›๐ž๐œ๐š๐ฎ๐ฌ๐ž ๐ญ๐ก๐ž๐ฒ ๐š๐ซ๐ž ๐ง๐จ๐ฐ ๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐ฐ๐š๐ฒ ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ž๐ซ๐ฏ๐ž ๐ญ๐ก๐ž ๐ฉ๐ž๐จ๐ฉ๐ฅ๐ž! โœŠ


08/08/2026

The Development Studies Society proudly congratulates our dearest Development Studies Students and alumni, ๐ˆ๐ก๐ฆ๐š๐ง ๐’๐ž๐ซ๐ซ๐š๐ง๐จ, ๐‹๐ข๐š๐ง๐ง๐š ๐•๐ž๐ง๐ข๐œ๐ž ๐‚๐จ๐ซ๐ฉ๐ฎ๐ณ, ๐’๐ญ๐ž๐Ÿ๐š๐ง๐ข ๐Œ๐š๐ซ๐ญ๐ก๐š ๐‚๐š๐ฌ๐ขรฑ๐จ, and ๐๐ข๐œ๐จ๐ฅ๐ž ๐Œ๐š๐ฒ ๐๐จ๐ง๐จ๐ง for representing the ๐”๐ ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐š ๐‚๐ก๐จ๐ซ๐š๐ฅ๐ž at the ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐“๐š๐ข๐ฉ๐ž๐ข ๐ˆ๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐‚๐ก๐จ๐ซ๐š๐ฅ๐ž ๐‚๐จ๐ฆ๐ฉ๐ž๐ญ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง.

Their dedication to their craft is truly a mark of . They showed that DevStud Students are not only excellent at finding and learning the grassroots development problems of farmers, fisherfolks, and other marginalized sectors but also excel in other fields such as the arts. We look forward to your similar endeavors in the future, may it be on the local or international stage, as you bring the honor to a milestone that is many more to come.

This remarkable achievement also serves as a call that institutions like UP must support their students who pursue similar fields in the arts and humanities through sufficient resources and facilities. May their harmony and voices truly inspire and build bridges across cultures with generations of youth who use their talent in the service of the people.

๐๐š๐ ๐›๐š๐ญ๐ข, ๐ฆ๐ ๐š ๐š๐ซ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ๐š ๐ง๐  ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง!

07/08/2026

Buong puso kaming nagpapasalamat kay ๐——๐—ฟ. ๐— ๐—ฎ. ๐—๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐—ฝ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—ง๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ฒ ๐—˜๐—บ๐—ถ๐—น๐˜† ๐—š. ๐—ง๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐˜€ sa kaniyang tapat at makabuluhang paglilingkod bilang ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ ๐—–๐—ผ๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ผ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—” ๐——๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ผ๐—ฝ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ฆ๐˜๐˜‚๐—ฑ๐—ถ๐—ฒ๐˜€! ๐ŸŽŠ

Mula sa buong Development Studies Society, taos-puso kaming nagpapasalamat sa panahong inilaan ninyo upang gabayan ang ating programa at maging katuwang sa paghubog ng mga iskolar na patuloy na nag-aaral at kumikilos para sa sambayanan.

Habang nagsisimula kayo ng panibagong yugto, nawaโ€™y patuloy kayong maging inspirasyon sa marami. Higit pa sa aming pasasalamat, isang karangalan ang makasama kayo sa paglalakbay ng Development Studies.

Nawaโ€™y magpatuloy kayong maging katuwang sa pagsusulong ng makatarungan at makamasang kaunlaran saan man kayo dalhin ng inyong paglilingkod.

๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜, ๐——๐—ผ๐—ฐ! ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป!๐Ÿ”ปโœŠ

Photos from Development Studies Society's post 04/08/2026

๐“๐ก๐ž ๐ƒ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐’๐ญ๐ฎ๐๐ข๐ž๐ฌ ๐’๐จ๐œ๐ข๐ž๐ญ๐ฒ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฎ๐๐ฅ๐ฒ ๐œ๐จ๐ง๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ๐ž๐ฌ ๐ญ๐ก๐ž ๐†๐ซ๐š๐๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐‚๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐€๐œ๐š๐๐ž๐ฆ๐ข๐œ ๐˜๐ž๐š๐ซ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“โ€“๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”! ๐ŸŒป

Today, we celebrate not only the degrees you have earned, but also the critical praxis you have nurtured and strengthened, along with the countless moments that have shaped you into graduates. May you continue to use your knowledge and skills to stand in solidarity with the struggles, amplify voices too often unheard, and work toward a society where development is defined by the dignity and well-being of all.

Let your education remain a lifelong service to the Filipino people. Honor the struggles of the masses and pursue excellence with purpose.

๐๐š๐๐š๐ฒ๐จ๐ง, ๐‚๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ ๐จ๐Ÿ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”! ๐Ÿ”ป๐ŸŒป
๐‘บ๐’†๐’“๐’—๐’† ๐’•๐’‰๐’† ๐‘ท๐’†๐’๐’‘๐’๐’†! โœŠ



Pub by Christophe Lopez, Gi Cruz, and Chrisrence Patio

30/07/2026

๐…๐‘๐„๐„ ๐’๐Ž๐๐€ ๐Ÿ—!

Noong tanghali ng Hulyo 27, bago magsimula ang SONA ng Bayan ay walang habas na hinuli at hinarass ng PNP ang mga mamamayang nagpapahayag ng tunay na kalagayan ng bayan.

Mariing kinokondena ng Development Studies Society ang nangyaring pag-aresto at pag-harass ng kapulisan sa mamamayang mapayapang nagpapahayag. Bagamaโ€™t nakalaya na ang 42 sa 51 na nahuli, nanatiling nakapiit ang 9 dahil sa mga kasong ipinataw ng PNP na walang malinaw na batayan. Ayon sa balita ng KARAPATAN, patuloy ang interrogation ng PNP sa 9 na nakakulong habang walang kasamang abogado. Nagkaroon din ng psychological torture ang kapulisan sa SONA 9 habang sila ay patuloy na nakapiit.

Malinaw na manipestasyon ito ng pagiging pasista ng ating estado. Pero malinaw rin ang tugon ng taumbayan: huwag tayong matakot. Patuloy tayong tumindig para sa paglaya ng lipunan mula sa mga korap at imperyalista.

Hindi na bago ang ipinamalas na pamamasista ng PNP. Ang PNP ay isang institusyon na pumoprotekta sa interes ng naghaharing-uri. Mas pipiliin ng berdugong pulisya na arestuhin ang mga mamamayang naghihikahos sa lumalalang kahirapan habang malaya ang mga korap na opisyal ng pamahalaan.

Pagsilbihan niyo ang mamamayang Pilipino, hindi ang naghaharing-uri. Makatarungan ang irehistro ang ating mga ipinaglalaban sa lansangan!

๐—ž๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ผ๐˜† ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ด๐˜†๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ถ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ข๐—ก๐—” ๐Ÿต!

๐—”๐—™๐—ฃ-๐—ฃ๐—ก๐—ฃ, ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ผ๐˜!

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Manila?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


College Of Arts And Sciences, P. Faura Street
Manila