Yung chill ride ka lang tapos biglang ganito… 😅
Ewan ko ba kung ano nasa isip ng rider na ’to. Sabihin na nating may signal siya, pero hindi ibig sabihin nun na hindi na kailangang tumingin sa side mirror o mag-check ng blind spot.
Hindi rin ako nakapag-menor agad kasi may sasakyan din sa likod ko. Siya pa nga ang galit, tapos biglang papasok sa kaliwa ko. 😅
Hindi ito tungkol sa kung sino ang mas mayabang sa kalsada—safety dapat ang priority. Lalo na may mga pasahero kang dala, huwag natin silang ilagay sa alanganin dahil lang sa isang maling maneuver.
Signal is not permission. Check your mirrors, check your blind spot, then saka lumipat. Ride safe, everyone. 🙏🏼🏍️
Mutant Coach Maynard
BSPE | Personal Fitness Trainer | Masseur | Road/Trail Runner | Cyclist | 4x Super Randonneur | Triathlete | Rider | Hiker All For His. 🙌🏼
22/08/2026
2:54 AM Run! 🏃🏻♂️🌙
Good morning Runners!
Find time ❎
Make time ✅
11 days since my last run… and finally, naka-takas ulit sa realidad ng buhay. 😂
Sometimes, we don’t need more time—we just make time for ourselves. Kahit madaling-araw, kahit pagod, kahit maraming responsibilities. One run at a time. 💪🏼
Salamat, Lord, for the ultimate strength, guidance, and protection. 🙏🏼🙌🏼
And thank you, Mama Mutant Wife, for always praying for me and supporting me. ❤️😘
Back on the road. Back to the grind. 🏃🏻♂️🔥
Maliit na bagay pero malaking impact! Salute sa mga ganitong public servant.
16/08/2026
Yahoo nakapag-upgrade din ng Hood! Sana makatulong to para maka habol sa mga tropa kong masisipag mag training kahit naulan! Hahaha
16/08/2026
💎 Ang Relationship ay Parang Diamond
Alam naman natin na ang diamond ay isang mamahaling bato at napaka-rare nitong makita. Pero bago ito maging maganda, makinis at sobrang kumikinang, dumadaan muna ito sa maraming proseso—puputulin, huhubugin at papakintabin.
Ganun din ang relationship natin sa ating partner. Walang madali at walang shortcut, lalo na kung may pamilya at mga anak na kayong sabay na pinapalaki.
Bago tayo maging matibay sa isa’t isa, maraming pagsubok ang kailangan nating pagdaanan. Maraming season ang kailangang malagpasan. May mga pagkakataong pakiramdam natin basag na basag na tayo, pagod na, at parang gusto na nating sumuko.
Pero isipin natin ang diamond. Hindi ito agad nagiging maganda sa unang tingin. Kailangan itong dumaan sa proseso para mailabas ang tunay nitong ganda at kinang.
Ganoon din minsan ang relationship. Baka ang mga pinagdadaanan ninyo ngayon ay hindi para tuluyang sirain kayo, kundi para hubugin, patatagin at palalimin ang pagmamahalan ninyo sa isa’t isa.
Kaya kung pagod na kayo, huminga muna—but don’t give up easily. Mag-usap, magpatawad, matutong umunawa, at sabay ninyong harapin ang bawat season.
💎 Because just like a diamond, a strong relationship becomes more precious after going through the right process.
At higit sa lahat, isama ninyo si God sa bawat proseso. 🙏❤️
📖 Romans 5:3–4
“Sapagkat alam natin na ang kapighatian ay nagbubunga ng pagtitiis; ang pagtitiis ay nagbubunga ng magandang pagkatao; at ang magandang pagkatao ay nagbubunga ng pag-asa.”
📖 Ecclesiastes 4:9–10
“Mas mabuti ang dalawa kaysa isa… sapagkat kapag bumagsak ang isa, maiaahon siya ng kanyang kasama.”
❤️ Hindi lahat ng pressure ay para sirain kayo. Minsan, ginagamit ito ni God para hubugin kayo into something stronger and more beautiful.
Don’t give up. Keep choosing each other. Keep God at the center. 🙏💎❤️
Pull workout.
4 sets of 15x Pull ups, this is my last set plus other pull workout kaya sabog na form! 😅
Grabe kalsada ngayon parang bwan, sainyo din ba?
11/08/2026
Yey nakatakas sa ulan! Did 12k , nakaka-frustrate lang din talaga ang walang cardio hehehe
Hindi talaga natin kaya!🙏🏼
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Contact the business
Telephone
Address
Mandaluyong
1550
Opening Hours
| Monday | 6am - 9pm |
| Tuesday | 6am - 9pm |
| Wednesday | 6am - 9pm |
| Thursday | 8am - 9pm |
| Friday | 6am - 9pm |
| Saturday | 6am - 12pm |