Bulacan Dragon Boat

Bulacan Dragon Boat

Share

All about #BulacanDragons, #Bulacan, and #DragonBoat.

#BuongPuso #BuongLakas #KayaNatin

13/08/2026

3๐‘น๐‘ซ ๐‘ณ๐‘ฌ๐‘ฎ, 2026 ๐‘ท๐‘ซ๐‘ฉ๐‘ญ ๐‘น๐‘ฌ๐‘ฎ๐‘จ๐‘ป๐‘ป๐‘จ

All dragon boat teams are invited to the 3rd Leg, 2026 PDBF Philippine Dragon Boat Regatta on August 23, 2026 at the Manila Baywalk Dolomite Beach, Roxas Boulevard, Manila.

Interested teams may register online: https://forms.gle/XZitpS8GzdALZ1nD6
Please make sure that the name and contact number of the designated team manager can be added in the WhatsApp / Viber group of team managers.

Download the Information Bulletin and race forms from the PDBF page: https://pdbfsport.com/downloadable-forms -e312-4c26-bdde-cb7d582a6532

08/08/2026

Tara po sa Bulacan, umulan at umaraw maraming pwede gawin at pasyalan. ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‡โ˜•๐Ÿฎ๐Ÿฌ

Photos from Philippine Paddling Federation's post 07/08/2026

Congratulations Philippine Paddling Federation Team Philippines ๐Ÿฅณ๐ŸŽŠ๐ŸŽ‰โค๏ธโ€๐Ÿ”ฅ

06/08/2026

๐—ข๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ | Hindi Lahat ng Kabataan ay Basketball Player

Kapag narinig mo ang salitang โ€œpaliga,โ€ alam na agad ng lahat ang kasunod.

Basketball.

Tuwing mag-aanunsyo ang Sangguniang Kabataan (SK) ng โ€œsports program,โ€ halos tiyak na ang kasunod ay poster ng liga ng basketball. Taun-taon, may opening parade, jersey, tropeo, at kampeon sa basketball, samantalang nananatiling walang espasyo ang mga kabataang may talento sa volleyball, chess, sepak takraw, badminton, athletics, at iba pang disiplina.

Hindi maikakaila na mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino ang basketball. Madali itong laruin at tinatangkilik ng kahit ano mang edad. Ngunit ang problema ay nagsisimula kapag ito na lamang ang tanging sport na binibigyang-prayoridad ng SK, hanggang sa nagiging monopolyo na nila ang pagpapatakbo ng mga paliga bilang sukatan ng isang sports development.

Sa ilalim ng Section 20(a) ng Republic Act No. 10742, o ang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, na inamyendahan ng Republic Act No. 11768, malinaw na inaatasan ang bawat SK na ilaan ang sampung porsiyento (10%) ng general fund ng barangay para sa mga programang tunay na nagtataguyod sa pagpapaunlad, pakikilahok, at pagbibigay-kapangyarihan sa kabataan.

Kung tutuusin, hindi ito pondong nakalaan para sa iisang uri ng aktibidad lamang, kundi para sa mga inisyatibang kumikilala at sumasaklaw sa ibaโ€™t ibang pangangailangan at potensiyal ng bawat kabataang Pilipino. Pero kapag basketball lamang ang may pondo at may organisadong torneo, hindi na ito pagpapaunlad ng sports โ€” ito ay paglinang ng iisang laro habang napapabayaan ang iba.

Hindi rin maitatangging sa komunidad nagsisimula ang paghubog ng isang manlalaro. Bago makarating sa dibisyon, rehiyon, o pambansang kompetisyon, sa barangay muna natutuklasan ang kanilang kakayahan. Kung tunay nating hangad na mapaunlad ang sports sa Pilipinas, hindi sapat na isigaw ito sa tuwing may internasyonal na paligsahan. Kailangang magsimula ito sa pinakaunang antas ng paglinang ng talento: ang mismong pamayanang kanilang kinalakihan.

Sa katunayan, ang mga paliga at lokal na kompetisyon ay hindi lamang simpleng libangan. Nagsisilbi rin itong daan upang matuklasan ang mga kabataang may likas na husay sa ibang sports. Maaaring ang susunod na kampeon sa chess, badminton, volleyball, o sepak takraw ay nasa isang barangay lamang, pero nananatiling nakatago sa kahon dahil kailanman ay hindi nabigyan ng pagkakataong makalaro.

Kapag iisang bola lamang ang patuloy na ipinapasa ng sistema, hindi kakayahan at interes ng mga kabataan ang kulang, kundi ang patas na oportunidad upang umangat sa larangang kanilang kinabibilangan. Kung paulit-ulit na pinapaburan ng SK ang mga paliga sa basketball, lumalabas na isa na itong istrukturang pagkiling na naglilimita sa pag-usbong ng potensyal ng mga kabataang dapat sanaโ€™y kanilang kinakatawan.

Hindi naman ito panawagang alisin ang basketball. Hindi rin ito pagmamaliit sa sport na nagbigay ng napakaraming masasayang alaala sa mga Pilipino. Ang punto ay simple lamang. Kung seryoso tayong suportahan ang kabataan, suportahan natin ang lahat ng uri ng talento. Hindi sapat na sabihin nating โ€œlahat ay may pagkakataonโ€ kung ang pagkakataon ay para lamang sa mga marunong maglaro ng basketball.

Sa totoo lang, hindi naman kailangan ng napakalaking budget para magsimula. Hindi kailangang magkaroon agad ng bonggang facilities. Sapat na ang isang simpleng chess tournament, badminton at table tennis competition, volleyball clinic, o athletics meet upang maramdaman ng kabataan na may lugar din sila. Dahil ang layunin ng sports ay hindi lamang makahanap ng kampeon. Layunin din nitong matulungan ang kabataan na matuklasan kung saan sila tunay na mahusay.

Hanggaโ€™t ang tanging sports program na inihahain ng SK ay panibagong liga ng basketball, mananatiling napag-iiwanan ang libo-libong kabataang may husay sa iba pang larangan. At kung basketball lamang ang palaging ibinibida, hindi paglilingkod ang umiiral โ€” isa itong pagkitil sa mas malawak na potensyal ng kabataang Pilipino.

Panulat ni Jovilyn Dariagan | Grim Amulet
Inilapat ni John Marco Santos

05/08/2026

๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ”ฅ All the best to Team Philippines! ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

The Philippine Dragon Boat National Team is off to Kyotango, Kyoto, Japan to compete in the Asian Championship this August 6 to 8. ๐Ÿšฃโ€โ™‚๏ธ๐ŸŒŠ

With every paddle stroke, our athletes carry the strength, unity, and spirit of the Filipino people. ๐Ÿ’ชโœจ

A HUGE THANK YOU to the Philippine Sports Commission (PSC) and the City of Puerto Princesa, Palawan headed by Hon. Mayor Lucilo "Cecil" Rodriguez Bayron โ€” your unwavering support fuels this journey, and we promise to make you proud! ๐Ÿ™Œโค๏ธ

Best of luck to our coaches and athletes โ€” paddle strong, paddle proud! Mabuhay ang Pilipinas! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ†

31/07/2026

Early bird registration for the NUSTAR Dragon Boat Regatta 2026 is almost over. Secure your special rate of PHP 1,750 per head available until June 30, 2026 only.

Gather the team and get ready to race in full balance this September 18 to 20, 2026 at NUSTAR Resort Cebu.

To view the registration guidelines, scan the QR code in the poster or visit:
https://pdbfsport.com/downloadable-forms

To register, please complete this form:
https://forms.gle/fTq6pwSWfx7tKghA7

Payment guidelines will be emailed to your registered email address after submission.

Terms and conditions apply.

Photos from Philippine Paddling Federation's post 31/07/2026
31/07/2026

๐Ÿ’ป Join us for SYCP Webinar #7 on August 14: 'Youth Leading Youth: Different Contexts, Common Aspirations, Navigating Our Future Together for Safer and More Inclusive Communities'.

โœจโ›น๐Ÿพโ€โ™€๏ธ We'll be celebrating International Youth Day and ASEAN Youth Day 2026 through youth leadership, innovation, sport and regional collaboration.

๐Ÿ“ Register now ๐Ÿ‘‰๐Ÿพ https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSejfrcWTelan4NIECTVaeyx4RHpnCoDNVPZyufjtmb0Tbd39Q/viewform

Photos from Philippine Dragon Boat Federation's post 26/05/2026

2nd Leg ng 2026 PDBF Philippine Dragon Boat Regatta, solid!

Congratulations Philippine Dragon Boat Federation at sa lahat ng teams participants. ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‰๐Ÿ‘๐ŸŽŠ

Check out the photo finishes ng lahat ng 55 races! See you next PDBF race!

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Malolos?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address


Malolos