20/08/2026
Cancelled po lahat ng scheduled matches ko this month.
This was me just a day before. Hanggang ngayon, hindi pa rin namin alam kung ano ang dahilan kung bakit bigla-bigla na lang akong nahihilo, nanghihina, at muntik nang mahimatay. Siguro dahil na rin sa stress, pressure, at pagod sa sabay na pag-aaral at billiards.
Bumibiyahe ako ng ilang oras para makarating sa venue, minsan puyat pa, tapos kailangan pang gumising nang maaga kinabukasan dahil may pasok. After ng match, minsan cup noodles o street foods na lang ang nakakain ko kasi gutom na at iyon na ang pinakamadaling maluto. Hindi rin siguro nakakatulong ang mga ganitong factors sa katawan ko.
Sa ngayon, kailangan muna naming i-focus ang attention namin sa kalusugan ko. Iwas muna ako sa stress at pressure, pati na rin sa mga unhealthy foods.
Pero huwag kayong mag-alala, hindi po ako titigil sa paglalaro ng billiards. Patuloy pa rin po ang practice ko, pero wala po munang bakbakan.
Sana po, sa pagbalik ko sa bakbakan, nandiyan pa rin kayo para suportahan ako.
Maraming salamat po sa inyong lahat π€
19/08/2026
Good morninggg π€ nakapagpahinga na ng maayos sa bahay, iba talaga ang comfort pag nakauwi na galing hospital. Sana di na ulit ako mahilo at himatayin π₯²
19/08/2026
Nakalabas na po ako sa hospital π€ Okay naman po yung mga lab results pero doble ingat pa din po ako sa mga pagkain at kalusogan ko. Maraming salamat po sa lahat ng nag-alala at nag comment sa nga post ko nung nakaraan. Na appreciate ko po kayo π«ΆπΌ
18/08/2026
Di muna billiard gloves ang suot ko ngayon π good morninggg!
18/08/2026
Last week's selfie bago magkasakit π₯²
18/08/2026
Good morninggg, naisagawa na po yung laboratory tests kanina 5AM pero wala pa pong results. Praying po na okay yung resulta mamaya ππΌ
17/08/2026
Nakangiti pa rin po ang ating Lady Cub kahit masama ang pakiramdam π«ΆπΌ Get well soon, Heloise!
17/08/2026
Nasa hospital po ako ngayon π₯²
Sa totoo lang po, nung nakarating kami sa Valencia City, nahilo po ako at muntik nang mahimatay. Siguro dahil na rin sa pagod, gutom, at naulanan pa kami. Nangyari po ulit ngayon, kaya pina-admit na lang po ako ni Mama Tiger para maisagawa ang mga kinakailangang laboratory tests at malaman kung bakit bigla akong nahihilo at parang mahihimatay.
Sayang po dahil marami sana akong paparating na laro ngayong buwan. Pero sa ngayon, kalusugan muna uunahin ko ππΌ
Please help us pray na maging okay agad ang resulta ng mga tests at gumaling ako para makabalik na ako sa bakbakan at, siyempre, sa school ππΌ Maraming salamat po sa lahat ng nag-aalala at patuloy na sumusuporta. God bless po! ππΌ