27/08/2026
π ISANG PUNTONG KULANG, PERO ISANG MALAKING TAGUMPAY! π
Halos makamit na natin ang GOLD! Sa NBL-Philippines 3ON3 Basketball Challenge β National Finals 2026, ipinakita ng ating Batang Gentri Basketball Team β 12 Under Division ang tapang, puso, at husay hanggang sa huling segundo.
Isang puntos lamang ang naging pagitan para sa gintong medalya. One point short, but never short of pride! πͺπ₯
Maraming salamat at pagbati sa ating mga batang atleta sa pagbibigay ng karangalan sa General Trias! Ipagpatuloy ang laban, dahil mas marami pang tagumpay ang naghihintay. ππ
Mabuhay ang Batang Gentri! ππͺ
26/08/2026
π₯ KARANGALAN SA NATIONAL STAGE! πππ
Isang taos-pusong pagbati sa ating mga Batang Gentri Taekwondo athletes na nagpakitang-gilas sa 2026 National Interschool Taekwondo Championships! ππ₯
π₯ Zeus Khianne Pascua β Silver | Kyorugi
π₯ Jaiden Alfaro β Silver | Kyorugi
π₯ Dian Kurt Rubio β Silver | Kyorugi
π₯ Julian Ezekiel Himaya β Bronze | Kyorugi
Apat na atleta, apat na medalya! πͺπ₯ Ang bawat medalya ay bunga ng sipag, disiplina, determinasyon, at tapang na ipinakita sa bawat laban.
Congratulations, Batang Gentri Taekwondo! Ipagpatuloy ang pagsasanay, paghasa ng talento, at pag-abot sa mas matataas na tagumpay! ππ₯
Mabuhay ang Batang Gentri! ππ
26/08/2026
βοΈπ Isang taos-pusong pagbati sa ating mga National Masters!
π΅π Joseph Cantela
π₯π₯ 2 Silver Medals
π₯ 1 Bronze Medal
π΅π Jeanne Arcinue
π₯π₯ 2 Silver Medals
sa kanilang kahanga-hangang pagganap sa 24th ASEAN Age Group Chess Championships sa Singapore.
Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ay nagbigay ng karangalan sa Lungsod ng General Trias at sa buong Pilipinas. Nawaβy magsilbi kayong inspirasyon sa mas marami pang kabataang atleta na mangarap at magsikap para sa tagumpay.
Muli, pagbati at mabuhay kayo! π΅ππ
26/08/2026
π₯ APAT NA BRONZE MEDAL PARA SA BATANG GENTRI BOXING! π₯ππ
Isang malaking pagbati sa ating mga Batang Gentri boxers na nagpakitang-gilas at buong tapang na lumaban sa 3rd TIGI Amateur Boxing Championship! ππ₯
π₯ Nelesh J. Comaling β Tropical Village
Junior Boys 44β46kg | Under 17
π₯ Aian James Blauta β Pasong Kawayan II
Junior Boys 46β48kg | Under 17
π₯ Dhylan M. Elliza β Pasong Kawayan II
Junior Boys 48β50kg | Under 17
π₯ Jared B. Abejo β Pasong Kawayan II
Youth Men 57β60kg | Under 19
Ang bawat suntok, pawis, at sakripisyo ay patunay ng inyong determinasyon at dedikasyon sa larangan ng boxing. πͺπ₯
Hindi man ginto, ang bawat medalya ay tagumpay na ipinagmamalaki ng buong General Trias! π₯π
Congratulations, mga Batang Gentri Boxers! Ipagpatuloy ang laban at patuloy na mangarap! ππ
26/08/2026
πΈ KARANGALAN SA BADMINTON! πππ
Isang taos-pusong pagbati kay Tytana Venyz Xai Cariah F. Medina ng Brgy. Panungyanan, General Trias City, sa kanyang natatanging tagumpay bilang Gold Medalist β Women's Doubles sa 1st SIBS Badminton Tournament! ππ₯π₯
Ang iyong dedikasyon, disiplina, at husay sa laro ay nagbunga ng isang karangalang maipagmamalaki ng buong General Trias. Patunay ang iyong tagumpay na ang sipag at tiyaga ay susi sa pag-abot ng mga pangarap.
Congratulations, Tytana! Nawa'y magsilbi kang inspirasyon sa iba pang kabataang atleta na patuloy na magsikap at mangarap nang mataas. πͺπΈ
Mabuhay ang Batang Gentri! ππ
18/08/2026
Maligayang Kaarawan po, Hon. Vice Mayor Jonas Porto Labuguen! π
Nawaβy patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at mahabang buhay upang patuloy ninyong mapaglingkuran at mapangunahan ang ating minamahal na Lungsod ng General Trias. ππ
Taos-pusong pagbati mula sa City Sports Development Unit.
11/08/2026
GOOD LUCK, NATIONAL MASTERS! π΅πβοΈ
Buong puso nating ipinapaabot ang ating suporta at pagbati ng Good Luck kina National Master Joseph Cantela at National Master Jeanne Arcinue na magrerepresenta sa Pilipinas sa 24th ASEAN Age Group Chess Championships sa Singapore!
Patuloy ninyong ipakita ang husay, determinasyon, at disiplina ng isang tunay na Batang Gentri chess player. Ipaglaban ang bawat laro at ipakita ang galing ng mga GentriseΓ±o sa international stage! πͺπ
Laban, Joseph at Jeanne! Dalhin ninyo ang bandera ng Pilipinas at ang buong suporta ng General Trias! π΅πππ
GOOD LUCK, NATIONAL MASTERS! πβοΈ
06/08/2026
π PAGBATI SA BATANG GENTRI JUDO CLUB! π₯π
Isang taos-pusong pagbati sa Batang Gentri Judo Club sa patuloy nitong paghubog ng mga atletang hindi lamang mahusay sa judo kundi maging sa kanilang pag-aaral. Ang pagkakaroon ng mga Judo graduates at bagong athlete scholars ay patunay ng dedikasyon ng club sa paglinang ng disiplina, karakter, at kahusayan ng bawat atleta.
Congratulations din sa ating mga Judo Graduates at Athlete Scholars sa inyong napakalaking tagumpay. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang kabataang GentriseΓ±o na ipagpatuloy ang kanilang pangarap sa akademya at sports.
Maraming salamat din sa ating mga Judo Coaches sa inyong walang sawang paggabay at dedikasyon. Kayo ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit patuloy na umaangat ang Batang Gentri Judo.
Kami ay lubos na nag papasalamat sa Team Gentri at sa ating Ama ng Lungsod ng General Trias Mayor Luis Jon-Jon Ferrer IV sa walang sawang pag suporta sa programa ng sports.
Muli, congratulations sa Batang Gentri Judo Club, sa ating mga coaches, at sa lahat ng Judo Graduates at Athlete Scholars! Patuloy ninyong dalhin ang karangalan ng General Trias. π₯ππ
04/08/2026
Isang taos-pusong pagbati kay Nash Louis Jude Dalusag ng Brgy. Manggahan, General Trias City sa kanyang kahanga-hangang tagumpay sa 13th World Chinese Youth Badminton Championship 2026 na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia!
π₯ Gold Medal β Badminton Singles 13U
π₯ Bronze Medal β Badminton Doubles 13U
Patuloy kang maging inspirasyon sa kabataang nangangarap na maabot ang tagumpay sa larangan ng sports. Ipinagmamalaki ka ng General Trias!
Congratulations, Nash! Patuloy mong iangat ang bandera ng Pilipinas sa pandaigdigang entablado! π΅πππ
29/07/2026
βοΈ ISANG PAGBATI PARA KAY JANMYL DILAN TISADO! π
Buong pusong binabati si Janmyl Dilan Tisado mula sa Brgy. San Francisco, General Trias City sa kanyang matagumpay na pagkamit ng Championship sa 2026 CTCA International Chess Open Blitz na ginanap sa Taiwan.
Isa na namang karangalang iniuwi ng ating GentriseΓ±ong atleta na nagpapakita ng husay, talino, at dedikasyon sa larangan ng chess. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang kabataang atleta na patuloy na magsikap at abutin ang kanilang mga pangarap.
Congratulations, Janmyl! Patuloy mong ipagmalaki ang General Trias at ang Pilipinas sa mga susunod pang kompetisyon. π