14/09/2026
Sinong mag-aakala
Ang dating World No. 1 at tennis legend na si Maria Sharapova ay nagpahayag ng suporta kina Coco Gauff at Alex Eala. Ayon sa ulat, sinabi niya: “I’m always rooting for Coco Gauff, Alex Eala…”
Mas espesyal ito para sa atin dahil si Sharapova ay isa sa mga tennis idols ni Alex noong bata pa siya.
Isang dating World No. 1 at 5-time Grand Slam champion ang nagbibigay ng pagkilala at suporta sa ating Filipina tennis star. 🇵🇭❤️
Kaya bilang mga Pinoy, supportahan natin si Alex Eala—sa panalo man o pagkatalo. Huwag na sana natin siyang i-bash kapag hindi naging pabor sa kanya ang resulta. Tandaan natin, tao rin si Alex na may pagod, pressure at mga araw na hindi niya makukuha ang panalo.
Mas magandang suportahan, intindihin at i-encourage natin siya kaysa sa bashing.
Laban lang, Alex! Panalo man o talo, proud kami sa’yo! 🎾🇵🇭❤️