SEABIRD WARRIORS Group
SEABIRD WARRIORS
Our mission is to breed, raise and condition gamefowl with a goal to excellence and self improvement. Our aim is not to be the best but to elevate ourselves.
We accept both wins/losses as part of our progress but surrender has no place in our principles. [email protected]
Thank you din sa update John Mark Oliveros
sa succesful na bro & sis mating sa GullClaret. I-preserve na ang mga parents at dyan mo sila ibalik-balik para sa 2 families mo, father and mother side.
Mahaba ang pakpak kaya mababa tingnan at maiksi ang binti kaysa hita, may accurate na palo ito.
SEABIRD WARRIORS Group
Thank you sa update John Mark Oliveros sa succesful na bro & sis mating sa LemonClaret. I-preserve na ang mga parents at dyan mo sila ibalik-balik para sa 2 families mo, father and mother side.
Football shape body!🥺 Malutong mamalo ito!
SEABIRD WARRIORS Group
Back to sacrificing and giving our determination once again. Life is never easy, you have to keep pushing through the sacrifices and challenges.
Good luck on your journey!
SEABIRD WARRIORS Group
🎶 MY WARRIORS 🎶
SEABIRD WARRIORS Official Music
Bago matulog, ni-review ko muna ang isang sparring ng Billy Ruble Hatch na kalaban ang Goldenboy Sweater. Tiningnan ko rin ang mga records ko tungkol sa fighting abilities ng iba’t ibang bloodlines ng manok.
Nakakatuwa dahil sa nakita ko sa sparring, tugma talaga ang fighting style niya sa mga naitala kong fighting characteristics ng Ruble Hatch. Mas lalo kong nakikita kung gaano kahalaga ang pagkaroon ng sariling records
at aktuwal na observation. Hindi lang tayo maniniwala sa sinasabi kundi kino-confirm natin sa actual performance. 👇👇👇👇👇👇
Pagdating sa fighting style ng mga Ruble Hatch gamefowl, isang salita agad ang pumapasok sa isip “agresibo.” Kilala ang mga manok na ito sa kanilang walang tigil at matitinding pag-atake. Taglay nila ang kakaibang intensity at tenacity na ginagawa silang mabibigat na kalaban.
Ang Ruble Hatch ay mahusay sa close-quarters combat o malapitang laban. Mas gusto nilang lumapit at makipagsabayan sa kalaban, nang eksakto at kontrolado. Ang kanilang compact na mga katawan ang nagbibigay sa kanila ng kakayahang kumilos ng mabilis, maka-paghatid ng sunod-sunod na atake nang hindi madaling nasasayang ang kanilang enerhiya.
Isa sa kapansin-pansing katangian ng Ruble Hatch fighting style ay ang kanilang versatility
o kakayahang umangkop. Kaya nilang mag adjust depende sa klase ng kalaban at baguhin ang kanilang taktika ayon sa sitwasyon. Kahit sa mas matangkad o mas mabigat na manok, may kakayahan silang hanapan ng kahinaan ang kalaban at samantalahin ang pagkataon.
Mahalaga rin ang kanilang mataas na stamina at endurance. Kilala ang mga Ruble Hatch sa kakayahang magtatagal sa isang matinding laban. Dahil sa kanilang tibay, kaya din nilang panatilihin ang kanilang performance habang unti-unting napapagod ang kalaban.
Sa aspeto ng depensa, kapansin-pansin ang kanilang mabilis na reflexes at liksi. Kaya nilang umiiwas sa papasok na atake habang mabilis din silang nakakagawa ng counter movement.
Sa kabuuan, ang Ruble Hatch ay karaniwang inilalarawan bilang isang agresibo, matibay, mabilis, adaptable, at relentless na gamefowl isang uri na kilala sa matinding pressure at tuloy-tuloy na intensity sa laban.
SEABIRD WARRIORS Group
This banner stands for our unwavering spirit. No matter how fierce the storm, we will never stop. Through every hardship, every challenge, and every battle, we will keep raising, breeding, and fighting, living the life we chose.
This is not just a passion - it is our way of life. SEABIRD WARRIORS - WE STAND, WE FIGHT, WE NEVER QUIT.
🎶 ANG SABUNGERO 🎶
SEABIRD WARRIORS Group
29/08/2026
SELECTION BIAS SA BREEDING 👇👇👇👇
Hindi lahat ng mga magandang offspring ay automatic na dahil sa sikat na sire (rooster).
Sa breeding, natural na maging proud tayo sa isang sikat o proven na sire (rooster). Kapag nagkakaroon siya ng magandang offsprings, madaling sabihin na “Kaya maganda ang anak dahil magaling ang sire.” Ito ang sinasabing selection bias sa breeding.
Ang selection bias ay nangyayari kapag mas pinapansin natin ang isa lang na information
na sumusuporta sa ating unang paniniwala. Habang hindi pa natin gaanong sinusuri ang ibang factors na maaring nakaimpluwensya
sa resulta.
HALIMBAWA: SIKAT NA SIRE
Sabihin natin mayroon kang isang sire (rooster) na kilala dahil sa magandang pedigree at magandang breeding history.
Ginamit mo siya sa tatlong dam (hen):
Sire A Ă— Dam 1
→ 10 offspring
Sire A Ă— Dam 2
→ 10 offspring
Sire A Ă— Dam 3
→ 10 offspring
Sa Dam 1, marami ang naging promising.
Mabilis nating masasabi: “Napakagaling talaga ni Sire A”
Pero sandali.
Paano kung ang Dam 1 ay galing din sa
isang highly consistent maternal family?
Paano kung ang Dam 2 at Dam 3 ay may ibang genetic background?
At paano kung iba rin ang pagpapalaki at environment ng bawat batch?
Hindi natin puwedeng i-attribute agad ang buong result sa sire.
CORRELATION AY HINDI AUTOMATIC NA CAUSATION
Ito ang isang importanteng concept.
Kung napansin mong:
Sire A → maraming magandang offspring
hindi automatic na:
Sire A → siya lamang ang dahilan kung bakit maganda ang offspring.
Maaaring may contribution ang:
Sire + Dam + genetics ng family + maternal effects + nutrition + environment + management + random genetic variation
Hindi ibig sabihin na walang contribution ang sire. Ang ibig sabihin ay hindi natin dapat i-credit ang isang factor lamang nang hindi sinusuri ang ibang variables.
ISANG MAGANDANG OFFSPRING AY PUWEDENG MAGING MISLEADING
Halimbawa:
Sire A × Dam A → 10 offspring
May isang exceptional offspring.
Dahil sikat si Sire A, maaaring sabihin
ng breeder: “Ito ang proof na magaling mag-produce si Sire A.”
Pero paano kung:
Sire A × Dam B → 10 offspring
at karamihan ay hindi kasing consistent?
At paano kung ang Dam A ay may history
na maraming magagandang offspring?
Dito dapat maging maingat. Baka ang tamang conclusion ay hindi “Sire A ang dahilan”kundi “Maganda ang result ng particular mating na Sire A × Dam A, at kailangan pa nating tingnan ang family performance sa mas maraming offsprings.
Ito ang pinaka-common na example ng bias.
* Kapag sikat ang sire:
* Sire A × Dam B → magandang offsprings
* Ang credit 90% Sire A
* Ang dam halos hindi nababanggit.
Pero kapag:
* Sire A × Dam C → hindi magandang result
* Biglang sasabihin “Hindi compatible ang
dam.”
Dito natin makikita ang possible bias. Kapag maganda ang result, sire ang credit. Kapag hindi maganda, dam ang sisi.
Hindi ito ang tinatawag na objective evaluation. Dapat pareho silang sinusuri.
SEABIRD WARRIORS Group
29/08/2026
May nagtanong kung totoo ba na ang head knocking ay isang senyales ng peak condition ng manok?
ANG PEAK CONDITION NG MANOK AY
HINDI ANG HEAD KNOCKING LANG
ANG TINGNAN.
Maraming mga beteranong handler ang nagsabing ang “head knocking” biglaang pagkadyot o pag-uga ng ulo na parang may kumikiliti sa tenga ay isa sa mga senyales na napapansin nila kapag nasa mataas na ang kondisyon ng isang manok.
Pero hindi head knocking lang ang dapat tingnan. Sa observation ng mga veterans, mas magandang tingnan ang kabuuang kondisyon:
1. Alertness – alerto at responsive sa paligid.
2. Feather condition – maayos, malinis at
makinis ang balahibo.
3. Body condition – consistent at healthy ang
overall body condition.
4. Movement – coordinated at normal ang
kilos.
5. Appetite – maayos at consistent ang
pagkain.
6. Droppings – consistent sa normal nitong
pattern.
7. Overall behavior – hindi matamlay at
walang malinaw na senyales ng
discomfort.
BAKIT NAG-HEAD KNOCKING?
Dito, ay kailangan nating magiging malinaw
kung bakit talaga gumagalaw ang ulo nila. Hindi nangahulugan na scientifically proven na ang head knocking at automatic sign na
ito ng peak condition.
HEAD KNOCKING = ISANG OBSERVATION.
HINDI LANG ITO MAG-ISANG BASEHAN NG PEAK CONDITION.
Ang head knocking o biglaang pagkadyot, pag-uga ng ulo na parang may pumasok na insekto sa tenga nila, ay maaring isa sa mga senyales ng peak condition ayon ito sa mga observation ng mga beteranong gamefowl handlers. Pero ... hindi pa ito scientifically explained bilang isang specific marker ng peak condition.
Sa scientific explanations, ang mabilis na pag-uga o pagkadyot ng kanilang ulo ay maaaring isang sensory o neuromuscular response. Sila ay may highly developed sensory system na kabilang ang inner ear vestibular system na tumulong sa balance at orientation. Kapag may stimulus o pagbago sa sensory input nila o heightened alertness, maaaring magkakaroon sila ng mabilis na contraction ng muscles sa ulo at leeg nila na nakikita natin bilang head shaking o jerking.
Pero hindi pa kayang ipaliwanag ng science nang eksakto kung bakit talaga lumilitaw ang particular na “head knocking” na ito sa timing na itinuturing ng ilang gamefowl veterans.
At dito nagiging interesting ang gamefowl.
Maraming observations ang matagal nang napapansin ng mga beteranong handler na hindi pa rin lubusang maipapaliwanag ng science.
Hindi rin ibig sabihin na dahil hindi pa ito scientifically explained ay mali na agad.
At hindi rin ibig sabihin na dahil matagal
ng observation ay scientifically proven na.
Kaya ang tamang approach
👉🏿OBSERVE
👉🏿DOCUMENT
👉🏿COMPARE
👉HUWAG AGAD MAG-CONCLUDE
Ang head knocking ay maaaring magiging isang piraso lamang ng puzzle, kasama ng alertness, movement, feather condition, body condition, appetite, droppings at overall behavior.
SEABIRD WARRIORS Group
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the business
Telephone
Address
San Miguel, Loboc, Polanco
Dipolog City
7101