16/07/2026
βYOUR CONCERN IS HUMAN RIGHTS, MINE IS HUMAN LIVESβ - FPRRD π΅πππ»ββοΈππΌ
Muling binalikan ng mga netizens ang isa sa pinakatanyag na linya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang malupit na pagpatay sa mototaxi rider na si Fabio Norberte Jr. sa Caloocan City.
Sinaksak umano si Norberte gamit ang ice pick ng kanyang pasahero bago tangayin ang kanyang motorsiklo. Dahil sa insidente, muling inalala ng mga netizens ang mahigpit na pamamalakad ni Duterte, na para sa kanila ay nagdulot noon ng takot sa mga kriminal.
βYour concern is human rights, mine is human lives.β
Sinabi ni Duterte ang naturang linya sa kanyang ikatlong SONA noong 2018, sa gitna ng mga batikos ng human rights groups laban sa kanyang kampanya kontra ilegal na droga. Sa kanyang talumpati, iginiit niyang ang pangunahing layunin niya ay protektahan ang buhay ng mga Pilipino na lumalaban ng patas sa buhay, lalo na ang mga kabataan at pamilyang naaapektuhan ng droga.