21/06/2026
Happy fathers day. Tra mag gayat
Mag saya ka hangga't gusto mo �
21/06/2026
Happy fathers day. Tra mag gayat
10/06/2026
HAPPY BDAY KUMAG 🥳🥸😕🫤😟🧐☹️🥶🥹😲🤠😎🙁😵🤧😲🙁🤓🥵😤😡💩👿
07/06/2026
ASWANG SA SOUTH!?
Good day/night just call me Knight.. nakabasa ako here ng about sa aswang and whether kung totoo or hindi yung nakita nyo ang important ay ligtas kayo. Might as well share my experience..
Around 1996 to nangyari dyan banda sa South Luzon, nagka problem kasi ang pamilya so kailangan ni mama na dalhin muna kami ni kuya sa probinsya namin para ayusin ang mga bagay bagay. Nung nakarating na kami sa bahay ng tito namin well okay naman binati kami, nakangiti sila, niyaya kaming mag lunch, dama naman na mabait sila, welcome kami at first time namin sila nakita at makasama.
Then after namin kumain may mga kasing edad namin na mga bata at isang medyo mas matanda samin, niyaya nila kami na mag swimming tuturuan daw kami dun sa may ilog and that time nasa loob ng bahay sila tito, tita at pinsan, Nagtinginan kami magkuya bilin kasi ni mama samin wag lalayo at wag sasama sa di namin kilala so nireject namin yung pag aya... nung nakalayo na sila samin nagulat ako ang talas ng tingin nya (nung mismong nag aya) kinabahan ako since ako mas bata ewan ko lang sa kuya ko haha ayun pumasok nalang kami ng bahay.
Kinagabihan after kumain sa baba kami natulog sa salas, Then eto na may kumakatok pero di namin pinansin since antok na antok pa kami, maya maya parang binabalya na door like binabangga or pinupwersa mabuksan.. napatayo kami bigla ng kuya ko nung nabuksan yung door nakakatakot yung nakita namin, dalawa sila yung itsura nila ay may hawig sa isang pinoy horror movie.
Yung itsura ng aswang sa movie ay halos 90% hawig nung nakita namin, napasigaw kami ng "tito tita" paghakbang paloob nung isa... parang smirking naka ngisi at nananakot and nakakatakot naman talaga itsura, yung para bang sa tingin nila sinasabi na "yare kayo", buti nalang nagising mga kasama namin sila tito nagsi bababaan sila and guess what happened.. napatingin kasi kami sa hagdan kung nasan sila tito pababa, pag lingon namin ulit sa direction ng door wala na yung dalawang yun..yung aswang?.
Wait di pa tapos haha.. walang pali paliwanag since bata pa kami pinakuha ng tito at tita namin yung gamit namin sa mga pinsan namin.. sabi ni tita dali dali hawak nya ko sa kamay. si kuya nauuna kasama ni tito, wala kaming idea kung ano ang nangyayari, heto pa yung pupuntahan namin dadaan ka sa tulay na sira sira lumusot yung paa ko at nahulog yung isa tsinelas ko buti nahila ako ni tita at nung pinsan naming isa sabi ni tita hayaan mo na tsinelas at bilhan nalang ng bago. Finally narating namin yung destination namin isang napaka gandang bahay pure concrete.. may gate may grills yung windows, dun kami pinatulog nila tita, sila naman umuwi. Pinakain kami ng may ari nung house at pinatulog after, sa totoo lang di kami ganu nakatulog sa takot hehe mas natakot ako dun sa tulay.. pag apak ko kasi nabiyak yung wood.
Kinabukasan nagulat kami nandun na si mama pinasundo na kami haha.. di ko alam if ano sinabi nila tita kay mama why kami pinasundo agad, di rin kami nagkwento kay mama ng mga kaganapan at di rin siya nag ask. Yung may ari ng tinuluyan namin na magandang bahay ni di namin nakilala. Tinanung nalang namin kay mama kung sino siya at kung ka anu ano namin.
Pag balik namin ng Metro Manila bida bida kami ni kuya sa tropa kasi kinuwento namin sa kanila yung na experience namin, naniwala naman sila mga bata talaga haha.. pero di ko malilimutan yan.. kung malimot man pansamantala lang, di ako natatakot nun pag kinukwento samin yan nila mama mga about sa aswang like takutin kami para umuwi agad bago dumilim pero after ng pangyayari na yun samin isa nako sa mga legit na takot talaga but way back na yan siguro today hindi na..... well??? siguro?🤔
EXTRA: Nung napanuod namin ng first time yung "Movie (2005)" nagkatinginan kami ng kuya ko😅🤦 natawa kami na tinayuan ng balahibo kasi kamukha talaga as in.. wala na nga sa isipan namin yung experience namin na yun i mean nakalimutan na then this movie reminded us of that.. sa lahat ng napanuod namin about sa aswang movie/series etc.. yan yung pinaka close na itsura sa nakita namin, sorry di ko pwedeng sabihin yung title baka mag ka issue tayo. Yung mga bata naman di namin alam ni kuya if connected sila sa dalawang well aswang pero feel namin oo.🫣
So ayun guys pasensya na napahaba and di talaga ako magaling magkwento, God bless.
~Knight
-Author: Bueno Zapanta
-(Dont post my real name admins thanks, yung Knight nalang po)
🫦
Thanks presh
Tatsulok
18/05/2026
📸 from the archive:
18/05/2026
Happy birthday por! May dating ka din tlga enoh.