02/08/2026
𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞:🧡 Dahil sa inaashaang patuloy na pag-ulan na dulot ng Bagyong at sa inaasahang pagtaas ng tubig o high tide ngayong linggo, minarapat ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit na magsagawa ng kaukulang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga kawani ng paaralan.
Kaugnay nito, batay sa rekomendasyon ng Calumpit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), at ipatutupad ang Alternative Delivery Mode (ADM) sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas ngayong Lunes, Agosto 3, 2026.
Patuloy nating mino-monitor ang lagay ng panahon, antas ng tubig sa iba’t ibang barangay, at ang mga ulat mula sa mga kinauukulang ahensya. Nananatiling nakaantabay ang ating MDRRMO, rescue teams, at iba pang tanggapan upang agad na makatugon sa anumang pangangailangan ng ating mga kababayan.
Hinihiling ko ang pakikiisa ng lahat. Hangga’t maaari ay iwasan ang hindi kinakailangang paglabas, manatiling mapagmatyag, at patuloy na sundan ang mga opisyal na anunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Calumpit.
Ang kaligtasan ng bawat pamilyang Calumpiteño ang ating pangunahing prayoridad.