Carlo PG, the Happy Biker

Carlo PG, the Happy Biker

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Carlo PG, the Happy Biker, Sport & recreation, Buensuceso Homes V, Calamba.

North Luzon Loop, 2017 & 2018
Old Highest Point, 2016 & 2023
New Highest Point, 2020 & 2025
Laguna Lake Loop, 106X 2016-2025
Tourmaster, 2024 Cebu 500 KM Insane Tour
Philippine Loop, 2022-2023 & 2024-2025
Current Strava record: 211,220 KM 2016-2026

14/08/2026

Jalajala loop V.2 via Binangonan & Antipolo

12/08/2026

Jalajala loop V.2 via Binangonan & Antipolo
12 August 2026

πŸš΄β€β™‚οΈ Distance: 258.07 km
⛰️ Elev gain: 1,322 m
πŸ•œ Moving time: 17:50:18
πŸ•‘ Elapsed time: 20:32:27

Route: Calamba City-Alabang-Taytay via C6-Binangonan-Cardona-Morong-Tanay-
Pililla-Jalajala-Mabtac-Famy-Pillia-Tanay-
Baras-Teresa-Antipolo-Alabang via C6-
San Pedro-Calamba City

Pag-alis ng bahay hindi naman na naulan at pagdating ng mga 7-8 am lumabas ang araw. Akala ko diretso nang mainit ang panahon buong araw. Sabi ng PAGASA, hanggang sa Linggo pa maulan dahil nga sa habagat pero bakit nalabas na si Haring Araw? 😁

Ayun na nga, pagdating sa Alabang, nagsimula nang umambon habang nalayo, lumakas na ang ulan. Titila, aambon, malakas na ulan, paulit-ulit lang habang binabagtas ang mga bayan sa Rizal.

Pagdating ng Famy, mga 4:30 pm na, kain muna, tila na ang ulan pero pinag-iisipan ko kung kakanan o kakalkwa. Kanan pauwi na ng bahay via Pagsanjan, less than 60 km na lang bale magiging Laguna loop na lang.

Kung kakaliwa naman ako, aahon ng Mabitac-lulusong ng Pililla, siguradong abutin na ako ng pagabi, mga 100 km pa hanggang Calamba. Nanaig yung original na plano ko na Jalajala loop kaya diretso padyak paahon ng Mabitac.

Bago dumating ng boundary ng Mabitac at Pililla, naambon na naman, papadilim na, habang pumapadyak feeling nasa Baguio or Tagaytay. Ang kapal ng hamog halos zero visibility. Kumpleto naman ako, may ilaw sa harap at likod ng bike.

Nung naahon ako sa Antipolo galing ng Teresa, pinag-iisipan ko naman kung sa C6 dadaan dahil pasado 9pm na. Tumulog na lang kaya ako sa Taytay at kinabukasan na umuwi? Nagtatalo na naman isipan ko, mga 50 km na lang hanggang Calamba kasi iniisip ko kung safe ba dumaan sa C6 between 9-10 pm.

Ayun! Nanaig pa rin yung maka-uwi na. Sige padyak lang ng padyak, may mga nakasabay naman, mga pauwi na rin na bike to work.

This time nga pala, ibang variation ng Jalajala loop, yung una, papunta ng Jalajala at pabalik, sa Antipolo ako dumaan. Dito naman, papuntang Jalajala via Binangonan-Cardona at nung pabalik via Antipolo naman.












Check out this ride on Strava: https://strava.app.link/EKm2VOPwy5b

08/08/2026

The Bird loop V.4 via Kaybiang, 24-25 July 2026 2-day ride from Calamba City to Batangas City, up Tagaytay City thru Tagaytay-Talisay road. Nasugbu to Trece Martires City via Kaybiang Tunnel, my 39th times to pass this tunnel. ParaΓ±aque City to Alabang then back to Calamba City.

Photos from Carlo PG, the Happy Biker's post 06/08/2026

Wednesday ride 🚲
5 August 2026

πŸš΄β€β™‚οΈ 111.34 km
⛰️ 451 m
πŸ•œ 7:23:24

Route: Calamba City-Los BaΓ±os-Bay-Calauan-
Nagcarlan-Liliw-Sta. Cruz-Pagsanjan-Lumban-
Pagsanjan-Pila-Victoria-Bay-Los BaΓ±os-Calamba

Check out my ride on Strava: https://strava.app.link/anPaNVNBn5b

Photos from Carlo PG, the Happy Biker's post 05/08/2026

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard!

Richmond Cruz, Dale Espeleta, Ferdinand Gonzales, Sean Reiver Ropelo, Ricky Cerbito, DELA TORRE FAMILY, Berto Nedia, Gebe Malco, Niel Doliente, Rotsen Allivram

Hearfelt thanks! ❀️

Photo location:
Tagaytay-Talisay Road
Tagaytay City, 24 July 2026

Photos from Carlo PG, the Happy Biker's post 04/08/2026

August Century rides
1 & 3, Aug 2026

Gran Fondo, 1 Aug. sa Nuvali na lang nag-laps then pauwi via Balibago, Sta. Rosa. Bawal ang hindi naka-shoes sa Nuvali kaya para nag-suot muna ako ng shoes.

Kahapon, target ko at least 100 km, kaso tinamad lumayo dahil tanghali na nakapag-ride out. Walang problema! Yung paikot-ikot lang sa UPLB, sapat na. Napakalapit pa, mga 6km mula sa bahay.

Paikot-ikot sa UPLB hanggang sa unang barangay sa Bay at dahil matraffic sa LB, sa Sto Domingo na ako dumaan at sa mga lakeshore barangays ng LB.












Check out these activities on my Strava

August Gran Fondo:
https://strava.app.link/kPXsBA5Pj5b

Monday Century ride: UPLB Paikot-ikot
https://strava.app.link/2mXv8JdQj5b

02/08/2026

July 2026 Strava Stats

Medyo nag-lay low muna nitong July kaya hindi umabot sa 2K km. πŸš΄β€β™‚οΈπŸš΄β€β™€οΈπŸš΄

Check out my rides on Strava: https://strava.app.link/oWK3ICAVh5b










Photos from Carlo PG, the Happy Biker's post 31/07/2026

The Bird Loop series

1. The Bird Loop, 30-31 May 2026
https://strava.app.link/PjrYvnWfd5b
πŸš΄πŸΏβ€β™‚οΈ 302.31 km ⛰️ 2,220 m

2. Independence Day Ride: The Bird Loop V.2
12 June 2026
πŸš΄πŸΏβ€β™‚οΈ 287.59 km ⛰️ 1,894 m
https://strava.app.link/ZB6vS9agd5b

3. The Bird Loop V.3 Kaybiang-Tagaytay
10 July 2026
https://strava.app.link/T7TxZxkgd5b
πŸš΄πŸΏβ€β™‚οΈ 236.94 km ⛰️ 2,141 m

4. The Bird Loop V.4 via Kaybiang
24-25 July 2026
https://strava.app.link/OX4rgfzgd5b
πŸš΄πŸΏβ€β™‚οΈ 333.15 km ⛰️ 3,191 m

Photos from Carlo PG, the Happy Biker's post 30/07/2026

Jalajala loop: Antipolo-Mabitac-Famy-Punta
29 July2026

πŸš΄πŸΏβ€β™‚οΈ Distance: 252 km
πŸ”οΈ Elev gain: 1,474 m
🧭 Time: 17 h 28 m
🚲 Elapsed time: 21:25:32
🚴 Avg speed: 14.4 km/h
πŸš΅πŸ»β€β™€οΈ Gear: MTB 29r with 2.1 tire

Route: Calamba City-Antipolo City via C5-Mabitac-Famy-Jalajala-Pililla-Teresa-Antipolo City-C5-Alabang-Calamba City

Maka-ilang beses na rin naman nakapag-Jalajala loop na via Pagsanjan ang ruta kaya this time naman via C-5 then Antipolo. Inuna kong ahunin ang Mabitac, then Famy-Jalajala-ahon ulit ng Antipolo galing ng Teresa-C5 ulit then dire-diretso na pauwi ng Calamba.

Kapag via Pagsanjan, ang Jalajala loop ay 183+ km habang via Antipolo naman ay mahigit 250 km. Umalis ng Calamba City ambon-ambon lang. Magandang pumadyak kahapon dahil hindi nga mainit pero inabot naman ng napakalakas na ulan habang nalusong sa Mabitac.

May mga bahaging hindi mo makita ang daan kung may lubak dahil sa umaagos na tubig ulan kaya ingat na ingat ako sa pagpadyak pababa. Ang iniisip ko baka baha na naman sa ibaba, sa mahabang patag na kalsada sa Siniloan. Buti naman at nang makababa ako sa patag, tila na ang ulan, wala namang baha at kitang-kita pa ang mga palayan sa magkabilaan.

Pasalamat ako na nalampasan ko yung lusong habang malakas ang ulan, talagang ingat na ingat ako sa pagpadyak baka nga dumulas. Pero kahit nag-iingat ka, nangyayari talaga nang di mo inaasahan ang aksidente. Ayun na nga, semplang ako sa napakabanayad na ahon at lusong bago dumating ng town proper ng Famy.

Tila na ang ulan, hindi ko malaman kung dumulas ang gulong o dumulas ang kamay ko sa handle bar, napasigaw na lang ako at semplang na, bulagta sa kalsada. Pasalamat ako walang kasunod na mga sasakyan, medyo nahilo, nadagan ng bike, tumama ang kaliwang binti ko at siko sa kalsada, presence of mind, upo agad ako, hila ang bike para maitabi sa damuhan. Hindi ako makatayo dahil tumama ang binti ko at may gasgas.

May driver ng tricycle, na tinutulungan ako, itinatayo ang bike, sabi ko tumba lang po ninyo, papahinga lang ako. Nung makapagpahinga at makatayo na ako, inayos ko ang bike ko then padyak na ulit. Habang napadyak, iniisip ko kung uwi na ako kasi mga 60 km na lang Famy hanggang sa bahay para Laguna loop na lang.

Iniisip ko rin kung sumakay na ako pauwi kaya diretso ako ng town proper ng Siniloan, bumili na lang ng band aid. Minor gasgas lang naman, nakakapadyak pa naman, ayun at sumige pa tin ng padyak hanggang sa maka-uwi ng bahay. 😊

Siyanga pala, nice meeting you, Eric Galaero! Nagkita rin sa bandang San Pedro. Salamat sa picture.

Check out this activity on my Strava:
https://strava.app.link/H1NtVYBqb5b










Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Calamba?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Buensuceso Homes V
Calamba
4027

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm