14/07/2026
𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐎𝐒-𝐏𝐔𝐒𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐈𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐍𝐀 𝐌𝐈𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝐔𝐏 𝐋𝐀𝐊𝐀𝐍 𝐁𝐀𝐆𝐔𝐈𝐎! 🌻🌾
Sa bansang mahal na maski ang magmahal, patuloy niyong patunayang mahirap linlangin, mahirap bilhin, at mahirap pilitin ang mamamayang mulat at may paninindigan.
Nawa'y ang pagiging iskolar ng bayan na may dangal at paninindigan ay patuloy ninyong bitbitin hanggang sa paglisan ng pamantasan 💚✊🏻
Ang buong UP LAKAN BAGUIO ay taas noong ipinagmamalaki kayo!
𝐏𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐝𝐚𝐲𝐨𝐧!
𝘔𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘔𝘢𝘴𝘢, 𝘛𝘶𝘯𝘨𝘰 𝘚𝘢 𝘔𝘢𝘴𝘢
📝 Zia Barana
13/07/2026
𝐁𝐚𝐲𝐚𝐝 𝐩𝐨! 𝐞𝐬𝐭𝐮𝐝𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐩𝐨 𝐚𝐭 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐡𝐨𝐧𝐨𝐫𝐬 🏅🥳
Discounted na, may sukli pang award! Naihatid na ulit ni manong drayber ang mga iskolar ng bayan sa biyaheng 𝐈𝐤𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐞𝐦𝐞𝐬𝐭𝐫𝐞 𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐚𝐝𝐞𝐦𝐢𝐤𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟓-𝟐𝟎𝟐𝟔.
Pagbati sa mga masisipag at mahusay na isko at iska ng UP LAKAN BAGUIO. Nawa'y marami pang ruta ang tahakin ninyo!
📝 Zia Barana
13/07/2026
Maligayang Kaarawan, CJ!
Sa aming Rebreb, nagpapasalamat ang UP LAKAN Baguio sa sipag, talino, at pagmamahal mo para sa ating organisasyon. We appreciate your energy, dedication, and willingness to show up sa mga ganaps natin.
Nawa'y magtagumpay ka sa lahat ng iyong mga ginagawa at maging inspirasyon sa mga taong nakapaligid sa'yo. To our morena queen, we love you! 😙💚🫶🏻
29/06/2026
Maligayang Kaarawan, Stella!
Tunay mong binibigyang kulay at saya ang UP LAKAN Baguio with your very kalog and funny personality. We are very grateful for your warmth, energy, and the laughter you share with us.
Nawa'y patuloy kang maging source of joy and light sa mga taong nakapaligid sa'yo. At sana laging masarap ang ulam mo!
We love you! 😙💚🫶🏻
17/06/2026
Maligayang Kaarawan, Cams!
Nagpapasalamat ang UP LAKAN Baguio dahil isa kang mabuting kaibigan na handang makinig, umunawa, at magbigay ng mga payong may malasakit. Sana laging masarap ang ulam mo 😚🍗
We love you! 😙💚🫶🏻
15/06/2026
Maligayang Kaarawan, Chrismar!
Nawa'y patuloy mong gamitin ang iyong boses, talino, at husay sa pakikipagtalastasan upang maghatid ng mga kuwentong may saysay at kabuluhan. Naniniwala ang buong UP LAKAN Baguio sa galing at talentong mayroon ka, proud na proud kami lagi sa'yo! ✨
Tigilan mo na rin sana yung pang-aaway mo sa chairperson natin 😝
We love you! 😙💚🫶🏻
12/06/2026
Maligayang Kaarawan, Rafi!
Nawa'y patuloy kang maging mapanuri, makatao, at may malalim na pag-unawa sa lipunan. Sana ay mas lalo mo pang mahanap ang saysay at ligaya sa bawat aral, tanong, at karanasang tatahakin mo ✊🏻
We love you! 😙💚🫶🏻
12/06/2026
𝐌𝐀𝐋𝐈𝐆𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐘𝐀𝐀𝐍, 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐒! 🇵🇭
Noong Hunyo 12, 1898, mula sa balkonahe ng Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite, ipinahayag ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas. Kasabay nito ay unang itinaas ang ating pambansang watawat at tinugtog ang himig na magiging pambansang awit ng bansa.
Ngunit tunay nga ba tayong nakalaya na? Sa kabila ng ating kasarinlan, patuloy na namamayagpag ang kabi-kabilang isyu ng korapsyon na siyang nagpapahirap sa bawat Pilipino. Mahigit isang siglo na ang nakalipas mula nang ipaglaban ng ating mga bayani ang ating kalayaan, ngunit marami pa rin ang nakararanas ng kahirapan, kawalan ng opotunidad, at hindi pantay na pagtrato sa lipunan.
Ngayong araw ng kalayaan, nawa’y manatili sa ating mga puso ang pagmamahal sa bayan at ang hangaring ipagpatuloy ang adhikaing sinimulan ng mga nauna sa atin.
01/06/2026
Maligayang Kaarawan, Laicah!
Nawa'y manatili sa iyo ang passion sa pag-aaral ng kasaysayan, hindi lang para alamin ang nakaraan, kundi para mas maging mulat, kritikal, at handang makialam sa mga usaping mahalaga sa kasulukayan ✊🏻🫡
At syempre, sana madala mo rin ang UP LAKAN Baguio sa mga coffee shops sa Plaridel 🥹 We love you! 😙💚🫶🏻
01/05/2026
𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎! ✊🇵🇭
Ngayong araw ng mga manggagawa, kinikilala ng UP LAKAN Baguio ang lakas, sipag, at sakripisyo ng bawat manggagawang patuloy na bumubuhay sa ating lipunan.
Sa likod ng bawat produkto, serbisyo, at ginhawang ating natatamasa ay resulta ng pawis mula sa sakripisyo ng ating mga manggagawang patas na lumalaban araw-araw.
Patuloy tayong makiisa sa laban para sa karapatan, seguridad, at makataong pagtrato sa lahat ng manggagawang Pilipino.
𝐓𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐨𝐨’𝐭 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐨, 𝐬𝐚𝐥𝐮𝐝𝐨 𝐤𝐚𝐦𝐢 𝐬𝐚 𝐢𝐧𝐲𝐨! 🫡