30/08/2026
Isang malaking PASASALAMAT mula sa buong AKP Antipolo Basketball Club sa HDS Trading sa inyong generous sponsorship at sa mga libreng giveaways para sa aming mga players!
Maraming salamat po sa inyong handog na dishwashing liquid, liquid detergent, at fabric softener.
Hindi lamang po laro at kompetisyon ang nabubuo sa AKP—mahalaga rin sa amin ang pagkakaroon ng mga supporters at partners na handang makiisa at tumulong sa aming basketball community.
Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong suporta.
Maraming salamat, HDS Trading!
From the entire AKP Antipolo Basketball Club Family.
30/08/2026
AKP Antipolo Basketball Club One Day League Season 3 finalist.
Team Black
Congratulations!
30/08/2026
Congratulations!
AKP Antipolo Basketball Club One Day League Season 3
Yellow Team
30/08/2026
CONGRATULATIONS TO OUR GUEST TEAM!
Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng Exhibition Game ang AKP Antipolo Basketball Club One Day League featuring the AKP All-Star Team and our Guest Team.
Maagang nakalayo ang Guest Team at kontrolado ang laro sa unang bahagi. Ngunit hindi basta sumuko ang AKP All-Star, unti-unting nakalapit sa score at nagbigay ng matinding laban hanggang sa huling bahagi ng game.
Sa huli, Guest Team ang nagwagi!
Pero higit pa sa resulta ng laro, naging makabuluhan at masaya ang event dahil nagkaroon ng pagkakataon ang dalawang koponan na makilala ang isa’t isa at magkaroon ng mga bagong kaibigan at bagong basketball connections.
Maraming salamat sa lahat ng players mula sa AKP All-Star at Guest Team sa inyong oras, effort, sportsmanship, at pakikilahok.
Congratulations, Guest Team!
Salamat, AKP All-Stars!
More than basketball. Building friendships, creating memories.
AKP Antipolo Basketball Club
26/08/2026
ISANG TRADISYON, ISANG PANANAMPALATAYA, ISANG KAPATIRAN.
Isang tradisyon na nagmula mismo sa ating mga Founding Fathers ng Alpha Kappa Rho ang muling isinabuhay sa ating 53rd Founding Anniversary Celebration ng AKP Antipolo Basketball Club.
Sinimulan ng ating Head Referee na si Brod Rafael Soriano ang programa sa pamamagitan ng isang mataimtim na panalangin at pagbibigay-pugay sa Panginoon—ang Siyang Lumikha ng lahat.
Matapos ang mensahe ng ating mga officers, binigyang-diin ng ating President na si Pres. Clark Powell Ayuman ang 5 Hierarchy ng Alpha Kappa Rho:
1. GOD 🙏
2. COUNTRY 🇵🇭
3. FAMILY ❤️
4. SCHOOL 🎓
5. FRATERNITY 🤝
Hindi aksidente na God ang nasa unang bahagi. Ito ang isa sa mga paalala ng ating mga Founding Fathers—na ang tunay na diwa ng kapatiran ay nagsisimula sa pananampalataya at pagkilala sa Panginoon.
Kung isa kang Akrho, matutong maniwala sa Diyos. At kung tunay kang naniniwala sa Kanya, huwag kalimutang manalangin, magkaroon ng personal na relasyon sa Kanya at isabuhay ang mabuting halimbawa.
Kasama rin sa mensaheng ito ang pag-aalaga sa ating katawan. Dahil ang pagiging healthy ay bahagi rin ng disiplina at responsibilidad sa sarili.
Brotherhood is not only about being together. It is about becoming better together.
AKP Antipolo Basketball Club — Brotherhood, Faith, Discipline and Sports.
26/08/2026
Isa na namang masaya at makabuluhang gabi ng Brotherhood Basketball ang ginanap sa Marville Park 1 Subdivision, Antipolo City!
Pinangunahan ng ating masisipag na AKP Club Officers ang pag-organisa upang mapanatiling maayos ang sistema at masigurong lahat ng Kapatid ay masayang makakapaglaro. Hindi lang basketball ang ating pinagsasaluhan—kundi pagkakaibigan, disiplina, bonding at tunay na brotherhood.
Kung naghahanap ka ng ibang bonding sa Alpha Kappa Rho at sawa ka na sa paulit-ulit na inuman, subukan mo namang maging healthy, Kapatid! 😄
Sumama ka sa amin, maglaro, magpapawis, makipagkaibigan at makibahagi sa mas makabuluhang Brotherhood.
Sa AKP, Brotherhood ang laro, Basketball ang bonding!
26/08/2026
MASTERFUL PERFORMANCE!
“Masterful performance”—ganito inilarawan ng ilang players at officials ang ipinakitang laro ni Rhyle Pacamana sa AKP Antipolo Basketball Club One Day League Season 3.
Mula sa unang laban hanggang sa championship, ipinakita ni Rhyle ang husay, consistency, leadership, at determinasyon na muling nagdala sa kaniyang koponan sa kampeonato. Dahil dito, muli siyang hinirang bilang Most Valuable Player, at naging kauna-unahang back-to-back MVP sa kasaysayan ng AKP Antipolo Basketball Club One Day League.
Dalawang season. Dalawang MVP award. At ngayon, isang bagong hamon ang naghihintay.
Sino ang makakapigil sa paghahari ni Rhyle Pacamana?
Congratulations, Rhyle Pacamana — Back-to-Back MVP!
Karapat-dapat sa palakpakan ang iyong husay at dedikasyon
HDS Trading Prestige Basketball League Basketball Club AKP Antipolo