Bakit parang tamaran ang liga ngayon dito sa atin?
Mahal Kong Ambulong
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mahal Kong Ambulong, Tanauan.
18/05/2026
Itoy maayos na desisyon mula sa lupon ng may pa-liga. Dahil nagiging tradisyon na dito sa atin na ayaw magpatalo sukdulang guluhin ang laro wag lang matuloy ang laro.
*OPISYAL NA PAHAYAG*
Kaugnay sa naganap na laro ng Niners Sr. at Otcho Barek, ipinababatid ng pamunuan na ang naturang laban ay idineklarang *“No Declare Win.”* Dahil dito, parehong itinuturing na talo ang dalawang koponan at hindi na uulitin ang nasabing laro.
Ang naging desisyon ay batay sa *elastic power* o kapangyarihang ipinagkaloob sa mga referee at komite upang agad na magpatupad ng kaukulang aksyon sa anumang sitwasyong nagdudulot ng kaguluhan, kawalan ng disiplina, at banta sa kaayusan ng liga.
Mahigpit ding ipinapaalala na hindi tungkulin ng Sangguniang Kabataan ang palaging makiusap upang mapanatili ang kaayusan. Ang ating liga ay itinaguyod para sa disiplina, respeto, at sportsmanship — hindi para sa kaguluhan.
Alinsunod sa resolusyong binuo ng mga komite at SK Officials mula Mosquito hanggang Senior Division, anumang laban na mauuwi sa kaguluhan at hindi na maaayos ng komite ay awtomatikong ipatitigil at parehong koponan ay ituturing na talo, anuman ang oras, puntos, o quarter ng laro.
Bilang karagdagan, bilang bahagi ng maigting na pagpapatupad sa ating rules sina Jersey 30, 27, 9, 12 ng Otcho Barek at Jersey 21 ng Niners Sr. Ay naka Hold ng 1 laro. Hindi nila maaaring ipagpilitan na sila ay maglaro sa panahon na sila ay kahold dahil kung ganon awtomatiko silang tatanggalin sa kabuuan ng summer league.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
May mga nagmessage po sa atin dahil sa araw araw na pagsusunog ng basura na may halong plastik umaangal na po matatanda dahil masakakit malanghap delikado din sa mga bata lalo at malapit sa elementary.. mga konsehal pasuyo daw naman po
Mga ka-barangay ingat po tayo palagi, laganap na naman po ang mga adik at itoy alam kong di naman lingid sa lahat.
12/10/2025
Paabot mensahe po para sa ating masipag at mahal na kapitan at pakiusap na din sa mga kabataan iwasan naman po ang maingay na tambutso at sadyang masakit po sa tenga lalo na sa gabi. Di naman na dapat pang pagsabihan konting disiplina lang.
Pasuyo naman ho sa may mga a*o bawal naman ho ang alpas. Grabe ang tae sa kalsada. Pati yung pinapatae pa sa gilid ng kalsada.
Sayang saya sana kung kagaya dati na bisperas ng Fiesta awarding ng basketball...
Tuloy na tuloy na ang Barangay Election sa Disyembre mga ka-barangay 🙂
Not every battle is worth fighting or worth your time. Focus on doing what is right. You don't need to explain your side to everybody, that would be a waste of time. Whether you do good or do nothing, there will always be criticism, and people will always have something to say. Remember, you can't please everybody!
Magka-isa, iwasan ang silipan at tyak lahat ng plano ng namumuno ay maisasakatuparan.
Click here to claim your Sponsored Listing.