Daily Dose of Coach F's Thoughts
Ano ang dalawang uri ng confidence na dapat meron ang isang volleyball player?
1. Internal Confidence: the type of confidence you create within yourself
2. External Confidence: the type of confidence you get from other people
To build your internal confidence, one must follow the training program. Non-negotiable talaga ang training. Pag game day, babalikan mo lang kung ano ang na-training mo. Dahil nag training ka ng maayos at mahusay, confident ka sa actual na laro.
Marami ang sources ng external confidence, ka-teammate mo na bilib sayo, parents mo na pinupuri ka, mga audience during the game na nakita ang husay mo, si Coach mo na nakikita ang dedication, commitment at improvement mo sa training (minsan matipid si coach sa papuri) bakit kaya?
Hindi masama ang mag build ng confidence externally, okay yan! Pero hindi okay na overconfident ka na dahil sa papuri ng iba, kaya hindi na importante sayo ang training. Tandaan sa training nakukuha ang tuloy tuloy na pagtaas ng internal confidence, samantalang ang external confidence ay maaring mawala. Mas okay ang external confidence galing kay Coach dahil napapansin nya ang maayos ang galaw mo sa training.
Tandaan sa patuloy na pagtaas ng commitment at improvement mo sa training, lalong tataas ang tiwala mo sa sarili mo, at tiwala ni Coach na totoong handa ka sa tunay na laban.
ππ¦
SNHS Green Eagles
The Official page of the Sorsogon National High School Green Eagles - Boys Volleyball Team
Notice of Special Training
Re: SNHS Intrams 2026 - Boys' Volleyball
Venue: Court 1, near stage, SNHS Multipurpose Covered Court
August 30, Sunday
8.30 AM - 12 Noon
Grades 7 and 8
August 30, Sunday
1-4.30PM
Grades 9 and 12
August 31, Monday
8.30AM - 12 Noon
Grades 10 and 11
Note:
1. Parent's Permit should be presented to the guard-on-duty upon entrance to the school's annex campus
2. Assigned teacher-coach per grade level should supervise his/her assigned team during the special skills training
Contact the following team Captains and Coaches:
Grade 7
Coach: Nilo Nile Dulana
Team Captain: Neil Patrick Jalmasco
Grade 8
Coach: Geraldine Daep Rempillo Gillego
Team Captain: Ruzzel Lajada
Grade 9
Coach: Christian Jegillos
Team Captain: Aeroff S. Caubang
Grade 10
Coach: Noel Garcia
Team Captain: Rich Irl Besmonte
Grade 11
Coach: Maam Tin Abordo
Team Captain: Jhonrey Espayos Dolendo
Grade 12
Coach: Theresa Atutubo
Team Captain: Raivon Cyrus B. Miranda
Daily Dose of Coach F's Thoughts
Naniniwala ang mga coaches na ang isang mahusay na volleyball player, hindi lamang skillful, dapat may maayos din na character.
Ano ba ang mga katangian ng isang volleyball player na may kahanga-hangang character?
β
οΈ marespeto sa Coach, kapag pinagsasabihan, nakikinig, iniintindi ang mga instructions o pangaral ni coach
β
οΈ alam kung ano ang priority ng team, at bilang isang individual member ng team
β
οΈ grateful sa lahat ng bagay, at sa lahat ng tao na part ng team
β
οΈ kapag napupuri, humble pa din, kapag napupuna, nagrereflect sa naging asal na di maayos
β
οΈ may tunay na malasakit sa team, at sa teammates
β
οΈ sa training, walang palusot
β
οΈ sa laro, matapang ang galaw, pero humble lagi
β
οΈ may tiwala kay Coach, at sa training program
β
οΈ malalim ang pagmamahal sa team
Kadalasan dahil sa poor character ng isang player, hindi nahuhubog ang buong aspekto nang pagiging isa g student-athlete.
ππ¦
Daily Dose of Coach F's Thoughts
Bakit kailangan ang mental toughness during trainings at games?
Sa training pa lang mataas ang expectations ng coaches, maayos na galaw, tamang ex*****on ng drills, o kaya naman tamang ex*****on ng plays. Sa training pa lang nabubuo na ang concept ng "good pressure". Hindi pwedeng walang pressure to do well during trainings.
Positive si coach na kapag maayos ang galaw sa training, maayos din ang galaw sa araw ng laro.
ππ¦
25/08/2026
Excited na ba para sa school intrams, next week?
Wait lang, mag term exams muna today and tomorrow.
ππ¦
Humble champions, Proud student-athletes
Daily Dose of Coach F's Thoughts
Bakit napakahirap maging consistent?
Most coaches require their players to be consistent not only during games but also during training, practice matches, and tune-up games.
Ano ba ang consistency? Sabi ni Google, the quality of always acting, behaving in the same way. Kumbaga sa volleyball, dapat laging maayos ang galaw sa training man o sa tunay na laro.
Mahirap ba maging consistent? Oo mahirap, pero hindi impossible. Kahit mga sikat na volleyball players, sa mga big leagues, may mga pagkakataon na hindi consistent ang galaw nila. Tunay na napakahirap ma-instill sa bawat student-athlete na maging consistent, sa training man o sa tunay na laro.
Bakit nga ba napakahirap maging consistent? Panu ba maging consistent? Mga katanungan na laging palaisipan sa mga coaches.
I-comment mo na.
ππ¦
Daily Dose of Coach F's Thoughts
Bakit merong team mantra?
Sinisigaw ng mga green eagles bago magsimula ang training, after training huddle, during tournaments, "Mahusay, Matapang, May-puso, Green Eagles!
Sa bawat pagkakataon na sinisigaw ang team's mantra, nareremind ang bawat isa ng mga attributes o katangian ng isang green eagle.
Minsan napaisip ako ng malalim sa sinabi ng isang young player, "Coach, hindi pa ako green eagle", sabi ko, "bakit?" Kasi hindi pa ako mahusay, matapang, at mahina pa ang loob (puso) ko pag naglalaro," sabi ng player. Imbes na magalit, napangiti ako dahil at least aware ang isang player ko ng mga salitang binibigkas nila.
Hindi corny ang pag chant ng team's mantra, darating ang panahon na di mo na maisisigaw ito, dahil di ka na member ng team. Kaya habang may chance ka pa na isigaw ito, isa-puso mo ito.
ππ¦
Daily Dose of Coach F's Thoughts
Sino o/at ano ang kalaban mo, bilang isang volleyball player?
π» multo ng mga pagkabigo (maraming players ang nawawalang ng lakas ng loob dahil sa mga frustrations sa nakaarang season, previous games na talo, atbp), one bad game doesn't make you a bad player, move on agad, next game na tayo.
π₯³ nasobrahan sa "fanfare", o appreciation ng tao. Sa bawat panalo, hindi masama ang celebration, ang masama kung ang celebration ng isang panalo o championship ay TOO MUCH. Ano ba ang too much? Dahil sa self-praise, and praises from the crowd, taas na ng tingin mo sa sarili mo, masyado ka ng magaling, hindi ka na masaya maglaro kung mahihina kalaban nyo, o ka-tune up game nyo, o walang pumapalakpak sayo. Lagi-lagi, ang pinakamasarap pakinggan na cheer o clap of appreciaion ay yung galing kay coach mo. Si coach minsan kahit impressed ng galaw mo, o galaw ng team, matipid mag-appreciate, pero hindi ibig sabihin, hindi nya nakikita ang effort nyo. Minsan kailangan kasi tipirin ang appreciation para tuloy-tuloy ang pag-improve mo bilang isang mahusay at humble na player. Minsan pag hindi na humble dahil sa overconfidence, nasisira ang sistema ng team.
Sabi ni Don Shula, isang tanyag na football coach, sa bawat panalo, apply the 24-hour rule. After 24 hours ng isang championship win, reset na, kumbaga back to zero. Tapos na ang celebration, grind na ulit sa training para sa next championship.
Maging sa pagkatalo, dapat may 24-hour rule din na ina-apply ang team. Tandaan, low key lang sa successes mo dahil hindi lahat masaya kapag sumasakses ka. Pero ang mga taong naniniwala sayo, kahit maliit ang success mo, masaya sila para sayo.
π± intimidation: bago pa man magsimula ang isang laro, intimidated ka na ng kalaban. Tandaan na ang volleyball ay di lamang physical game, ito ay mental game din. Dapat excited ka sa mga tune-up games with strong teams, para maramdaman mo ang feeling na makipagsabayan sa malalakas, at para magkaroon ka ng isang "championship experience", kapag di ka intimidated, lalabas ang tunay mong laro
β οΈ self-doubt, kapag naunahan ka ng kawalan ng tiwala sa sarili, kakabahan ka sa laro, at tuluyang masasayang ang training mo dahil di lalabas ang husay, tapang, at puso kung walang tiwala sa sarili
π· π€π¦Ά mga di-inaasahang sakit o injury, lagi-lagi sinasabi ni coach, during training, practice matches, tune-up games, o tournaments, proper behavior lagi, kung ano ang na-train na defense pattern o plays, tamang ex*****on para iwas injury. O kaya naman, bago ang araw ng training o tournament hindi π―% ang katawan mo dahil nagkasakit ka; prevention is better than cure; iwasan ang mga bagay na pwedeng magpahina ng katawan mo (mga unnecessary strenuous activities, pagpapaulan); palakasin ang immune system sa pamamagitan ng isang 7-9 na oras na quality sleep, pahinga, masustansyang pagkain, at mga food supplements
π€― crowd pressure lalo na kung nanonood ang mga doubters mo (mga di naniniwala sa husay, at tapang mo); sabi nga natin, we are our own crowd. Isa kang agila, you are not how people perceived you. Simple lang, sa isang laro, hindi ka naglalaro para sa kanila, naglalaro ka para sa coaches mo (ipakita mo sa coaches mo na nagagawa mo sa laro, ang ginagawa nyo sa training), sa teammates mo (masaya maglaro kung nagpapalakasan ang bawat isa sa loob ng court), sa mga magulang, kapamilya, at kaibigan mo (sa kanila ka huhugot ng husay at tapang), balikan mo ang pangarap mo, ng team (ito ang hugot ng puso mo, ng puso ng team)
Tunay nga na napakahirap maging isang volleyball player, pero fulfilling kung nakikita mo at nararamdaman mo ang improvements mo.
Sa tingin mo, ano o sino pa ang kalaban mo, bilang isang Volleyball player?
I-comment mo na.
ππ¦
21/08/2026
1st Gold this Season
Thank you, Bulan Volleyball Group for the opportunity to hone skills, and character with the best Volleyball teams of Bulan and Matnog, Sorsogon.
Mahuhusay, Matatapang, Maypuso
ππ¦
π
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Sorsogon
4700