Central Luzon Express Agenda

Central Luzon Express Agenda

Share

Timely Agenda, Delivered Express.

10/07/2026

MAS KAMPANTE ANG MGA ESTUDYANTE

Mas pinaigting na ang seguridad sa mga paaralan sa Mabalacat City matapos mamahagi ang lokal na pamahalaan ng mga metal detector sa mga pampublikong paaralan nitong Huwebes, July 9.

Pinangunahan ni Mayor Geld Aquino ang distribusyon ng mga device na gagamitin upang mapalakas ang seguridad at matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, g**o, magulang, at iba pang empleyado sa mga paaralan.

Naganap ang pamamahagi tatlong araw lamang matapos ianunsyo ni Aquino ang direktiba na agarang mag-procure ng mga metal detector bilang bahagi ng pagpapalakas ng school security.

Sa isang panayam, sinabi ni Aquino na susunod namang mabibigyan ng mga metal detector ang mga pribadong paaralan sa lungsod upang matiyak na maging ang mga mag-aaral at g**o sa pribadong sektor ay magkakaroon din ng mas ligtas na kapaligiran.

Ang Mabalacat City ang isa sa mga kauna-unahang lokal na pamahalaan sa Pampanga na nagpatupad ng ganitong hakbang bilang tugon sa sunud-sunod na insidente ng karahasan sa mga paaralan.

10/07/2026

EARLY WORK EXPERIENCE

Nagkaroon ng pagkakataon ang mga Grade 12 learners mula sa Angeles City National Trade School na maranasan ang makapagtrabaho sa Kapebaluan sa isinagawang work immersion sa City Library.

Ang programa ay bahagi umano ng 2026 Work Immersion Program ng lokal na pamahalaan na layong ihanda ang mga kabataan sa mundo ng trabaho sa pamamagitan ng aktuwal na karanasan.

Sa programa, naranasan ng mga estudyante ang tunay na work environment habang natututo ng disiplina, responsibilidad, pakikitungo sa kapwa, at tamang customer service.

Ayon kay Mayor Jon Lazatin, mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na maisabuhay ang kanilang mga natutuhan sa paaralan.

“Higit sa kaalaman, nagkakaroon sila ng kumpiyansa sa sarili, mas malawak na karanasan, at inspirasyong maabot ang kanilang mga pangarap,” ani Lazatin.

Layunin din umano ng programa na mabigyan ng pantay na oportunidad ang lahat ng kabataang Angeleño, kabilang ang mga learners with special educational needs, upang maipakita ang kanilang kakayahan at makapaghanda para sa kanilang kinabukasan.

“Sa Angeles City, naniniwala tayo na ang bawat kabataan ay may kakayahang matuto, umunlad, at magtagumpay kapag nabigyan ng tamang oportunidad at suporta,” ani Lazatin.

10/07/2026

BABY IN A BOX

Isang bagong silang na sanggol ang natagpuang inabandona sa loob ng isang kahon sa bayan ng Floridablanca nitong Biyernes, Hulyo 10.

Ayon kay Floridablanca Mayor Mike Galang, natagpuan ang sanggol sa Barangay Valdez na may nakakabit pa umanong umbilical cord.

Agad itong dinala sa ospital upang mabigyan ng kaukulang medikal na atensyon at kasalukuyang nasa ilalim ng obserbasyon.

Nagsasagawa na rin umano ng imbestigasyon ang lokal na pulisya upang matukoy kung sino ang nag-iwan sa sanggol.

Nananawagan naman si Galang sa mga magulang ng bata na balikan ang sanggol, at tiniyak na handang magbigay ng kinakailangang tulong ang lokal na pamahalaan.

10/07/2026

KALAHATING MILYON PARA SA IMPORMASYON

Iginawad na ng Police Regional Office III (PRO-3) ang ₱500,000 pabuya sa indibidwal nagbigay ng impormasyon na nakatulong sa pagtunton sa wanted na suspek na si William Corre.

Ang pabuya ay ibinigay nitong Biyernes, July 10, matapos mag-alok ng reward ang pulisya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na magtuturo sa pinagtataguan ni Corre.

Ang suspek, na tinagurian serial maniac, ay nahaharap sa mga kasong robbery at sexual assault sa Pampanga.

Naaresto si Corre sa Barangay Dolores, City of San Fernando noong Huwebes, Hulyo 9, kasunod ng isinagawang 24-oras na manhunt operation ng mga operatiba ng PRO-3.

09/07/2026

(UPDATED as of 9:20PM, July 10)
MGA LUGAR NA WALANG PASOK

Mga LGU na nagdeklara ng suspensyon ng klase dahil sa banta ng Super Typhoon Inday:

• Macabebe (Brgy. Consuelo, Dalayap, San Esteban)
• San Simon (public elementary and high schools; private schools can exercise discretion)

Manatiling nakaantabay. Ia-update namin ang listahang ito sa sandaling may mga bagong anunsyo.

09/07/2026

AYUDA SA MGA BATANG INA

Nasa 100 adolescent mothers at kanilang mga anak sa Mabalacat City ang tumanggap ng conditional social pension sa ilalim ng Social Protection Program for Adolescent Mothers and Their Children (SPPAMC).

Pinangunahan ni Mabalacat City Mayor Gerald Aquino ang pamamahagi ng ayuda kasama ang iba pang opisyal ng lungsod.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Mabalacat, layunin ng SPPAMC na mapalawak ang access ng mga benepisyaryo sa edukasyon, serbisyong pangkalusugan, at iba pang mahahalagang programa upang mapabuti ang kanilang kalagayan at mabawasan ang mga panganib na dulot ng maagang pagbubuntis.

Bilang bahagi ng programa, kinakailangang sumunod ang mga benepisyaryo sa ilang kondisyon, kabilang ang hindi na muling pagbubuntis, regular na pagdalo sa mga social, nutrition, at health sessions, at paglahok sa psychosocial sessions.

Sa kaparehong joint payout ng SPPAMC, 36 na benepisyaryo rin ang tumanggap ng medical financial assistance sa ilalim ng Sentrong Aruga Program na nagkakahalaga ng ₱5,000 hanggang ₱25,000, depende sa kanilang pangangailangang medikal.

09/07/2026

CALL 911 📞

Hinikayat ng Pampanga Police Provincial Office (PPO) ang publiko na gamitin ang Unified 911 sa oras ng anumang emergency upang mas mapabilis ang pagresponde ng mga awtoridad.

Ayon sa Pampanga PPO, ang Unified 911 ay nakahandang tumanggap ng mga tawag kaugnay ng mga insidente na nangangailangan ng agarang aksyon mula sa mga law enforcement at iba pang emergency response agencies.

Sinig**o rin nito “always ready to respond” ang kapulisan bilang bahagi ng layunin na mapalakas ang koordinasyon at mas mabilis na pagtugon sa mga emergency sa lalawigan.

“One Number. One Response. One Pampanga,” ayon sa mensahe ng Pampanga PNP.

08/07/2026

WALANG PASOK
(July 9, 2026)
as of 10:33PM

Mga LGU na nagdeklara ng suspensyon ng klase dahil sa banta ng Super Typhoon Inday:

• San Simon
• Macabebe
• Masantol

Manatiling nakaantabay. Ia-update namin ang listahang ito sa sandaling may mga bagong anunsyo.

08/07/2026

‼️ FINDING JOHANNS ‼️

Kung sino man ang may impormasyon kung nasaan si JOHANNS SANTIAGO ALOOT, 18 years old, na huling nakita noong July 2, 2026, 11:00 AM sa Pamintuan Village, Dau, Mabalacat City, Pampanga mangyari pong makipag-ugnayan agad sa mga sumusunod:

📞 JON ALOOT
0915.230.8767 | 0926.340.9667

📞 MARIE ALOOT
0916.796.3138

Puwede rin pong i-report sa pinakamalapit na Police Station.

⚠️ Iwasan po ang prank calls/messages nakakaabala ito at posibleng makaantala sa paghahanap kay Johanns.

Maraming salamat sa inyong tulong at pang-unawa.

08/07/2026

TULAOC BRIDGE UPDATE

Sinig**o ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matatapos na ngayong taon ang konstruksyon ng Tulaoc Overpass Bridge sa San Simon, Pampanga.

Nitong Martes, July 7, inanunsyo ng ahensya na sinimulan na ang Phase II ng proyekto matapos itong maantala sa loob ng dalawang taon.

Batay sa video na inilabas ng DPWH, konektado na ang magkabilang dulo ng overpass matapos maikabit ang mga girder.

Ayon sa DPWH, iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang pagkumpleto ng proyekto upang maibsan ang matinding perwisyong nararanasan ng mga residente at motorista sa kanilang araw-araw na pagbiyahe.

Ipinaliwanag ng ahensya na naantala ang implementasyon ng proyekto dahil sa mga isyung may kaugnayan sa relokasyon ng mga linya ng kuryente ng mga electric utility companies.

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in San Fernando?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Address

San Fernando
2020