05/08/2026
Ano bang mayroon sa Abra?
Mayaman ang probinsya ng Abra, katulad ng iba pang probinsya sa Kordilyera at sa buong Pilipinas. Kaya ganun na lang din ang pagkukumahog ng mga kumpanya, sa panunulsol ng estado, para kunin ang likas nitong kayamanan.
May interes ang mga kompanya ng minas sa Abra, lalo na at alam nilang may malaking deposito ng metallic minerals tulad ng gold, silver at copper, at ng non-metallic minerals tulad ng clay at limestone.
Noong Marso 2026, nagsubmit ng mga resolution ang tatlong barangay ng Lacub laban sa pagmimina ng Golden Lake Minerals Resources, Inc. Nitong Abril 2026, naging malakas ang oposisyon ng mamamayan laban sa Exploration Permit Application 129 ng Yamang Mineral Corporation. Ang YMC ay subsidiary ng United Kingdom-based Metals Exploration, na siya ring may-ari ng FCF Minerals na sumira sa kabundukan at mga komunidad ng Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya. Sakop ng gustong minahin ng YMC ang mga bayan ng Sallpadan, Malibcong, Lacub at Licuan- Baay. Ang masama pa rito, mga pulis at militar ang mga es**rt nito sa komunidad.
Sa Villaviciosa at Luba, plano rin na magpatayo ng 2,000 ektarya na military complex ang Armed Forces of the Philippines. Ang lupang papatayuan nito ay lupang sakahan. Mas gusto nilang gawing kuta ito ng mga pasista (posibleng mga dayuhan pa) kaysa gamitin para sa produksyon ng pagkain.
Ang kapal ng mukha nilang maglagay ng minahan at magtayo ng himpilan sa Abra, gayong naghihirap ang mamamayan nito.
Maraming baryo ang walang maayos na daanan ng tao, walang malinis na tubig, kulang sa gamit, gamot at manggagamot ang mga ospital. Hindi pa maaasahan ang kuryente ng Abra Electric Cooperative! Patuloy na naghihirap ang mga magsasaka dahil sa mataas na presyo ng farm input, habang nananatiling binabarat ang presyo ng palay.
Sa probinsya na karamihan ay mga magsasaka, anak ng magsasaka o may mga kaanak na magsasaka, hindi ka magtataka kung bakit maraming Abreño ang pipili ng ibang landas para makakita lang ng pagbabago. Hindi tayo dapat magtaka kung bakit hanggang ngayon ay may armadong pakikibaka sa probinsya, na siya ring mga dahilan kung bakit may armadong tunggalian din sa iba't ibang panig ng Pilipinas.
Apat hanggang lima na ang naging engkwentro sa Abra mula Hulyo hanggang unang linggo pa lang ng Agosto. Ikinasawi nito ang isang lokal na kombatant si Moises Balabag noong July 19, at tatlo pang hindi napapangalanan kahapon, August 5. Naipakita lang ng mga engkwentrong ito na walang silbi at pakitang tao lang ang pag-aannounce ng gobyerno na insurgency free na ang isang probinsya.
Hindi mawawala ang "insurhensya" kung nananatiling naghihirap ang mga tao, pinagsasamantalahan, kinakamkam ang lupa, tinatayuan ng mga dambuhalang minas at dam, at lalo na kapag inees**rtan pa ng mga pulis af sundalo ang mga kompanya. Hangga't meron ang mga yan, kailangan nating kilalanin na mayroong giyera sibil sa bansa.
Hindi tunay na gustong mapuksa ng estado ang armadong tunggalian hangga't pinapaypayan at sinususugan ang pangangamkam, pang-aapi at pananamantala sa mamamayan. Ang gusto lang nitong puksain ay ang mga armado, ngunit hindi ang ugat kung bakit nag-aarmas.
Palalo! Palalo ang estado!
Itigil ang militarisasyon sa probinsya ng Abra!
21/07/2026
15/07/2026
15/06/2026
14/06/2026
14/06/2026