Matahimik Basketball League

Matahimik Basketball League

Share

KASIYAHAN LAMANG NA MAY KONTING BALYAHAN :)

Photos from Matahimik Basketball League's post 12/08/2026
03/08/2026

πŸ‘‘ MAYAOLYMPICS 2026 ATHLETE OF THE YEAR πŸ‘‘

Ang Athlete of the Year ay iginagawad sa isang atletang hindi lamang nagpakitang-gilas sa iba't ibang kompetisyon, kundi nag-iwan din ng malaking marka sa buong torneo.

Ngayong MayaOlympics 2026, isa siya sa mga atletang may malaking naging ambag at epekto sa liga. Sa bawat laban ay ipinamalas niya ang husay, disiplina, at determinasyong naging inspirasyon sa kapwa atleta at sa buong komunidad.

Hindi nakapagtatakang marami siyang natanggap na parangal sa MayaOlympics ngayong taon bunga ng kanyang sipag, dedikasyon, at walang sawang pagsusumikap na maging mahusay.

Sa kabila ng kanyang mga tagumpay, nananatili siyang mapagkumbaba at mabait, isang katangiang lalong nagpapakita ng tunay na diwa ng isang atleta.

Siya rin ang ipinagmamalaki ng Purok Gitnang Silangan, na buong pusong sumusuporta sa kanyang bawat tagumpay.

Para sa kanyang natatanging husay, magandang asal, at malaking kontribusyon sa MayaOlympics 2026, siya ang karapat-dapat na tanghaling MayaOlympics 2026 Athlete of the Year. πŸ†βœ¨

Isang karangalang tunay na pinaghirapan at karapat-dapat ipagmalaki.

Congratulations sa ating Athlete of the Year! Patuloy kang maging inspirasyon sa mga kabataan at sa iyong kapwa atleta.πŸ‘


02/08/2026

πŸ‘‘ |MAYAOLYMPICS BASKETBAL LEAGUE 2026 SEASON MVP πŸ‘‘

Ang pagiging Season MVP ay hindi lamang nasusukat sa dami ng puntosβ€”ito ay bunga ng pamumuno, dedikasyon, at kakayahang gawing mas mahusay ang buong koponan.

Bilang Team Captain ng Matahimik Underrated, siya ang nagsisilbing utak ng bawat opensa. Taglay ang napakatalas na court vision, kaya niyang basahin ang bawat galaw ng laro at gumawa ng tamang desisyon sa bawat possession. Siya rin ang pangunahing playmaker ng koponan, laging lumilikha ng pagkakataon para sa kanyang mga kakampi.

Bukod dito, isa siyang deadly outside shooter na kayang magbago ng takbo ng laban sa isang tira lamang. Kapag nasa kanyang kamay ang bola, ipinapakita niya ang kanyang husay sa ball handling, kontrolado ang laro at kampante sa bawat pag-atake.

Higit sa lahat, ang kanyang walang sawang pagpupursige at tunay na pagmamahal sa laro ang naging susi sa kanyang tagumpay at inspirasyon sa kanyang buong koponan.

Dahil sa kanyang liderato, husay, at puso para sa basketball, karapat-dapat lamang siyang tanghaling MayaOlympics 2026 Basketball Season MVP. πŸ€πŸ†


02/08/2026

πŸ†| MAYAOLYMPICS BASKETBALL LEAGUE 2026 FINALS MVP πŸ†πŸ‘(SENIOR DIVISION)

Sa pinakamahalagang yugto ng torneo, siya ang isa sa mga pangunahing sandata ng Riverside Ballers.

Isa sa mga maaasahang scorer ng koponan, ipinamalas niya ang kanyang napakagandang ball handles at nakakalitong crossover na paulit-ulit na bumutas sa depensa ng kalaban. Hindi lamang iyon, isa rin siyang deadly outside shooter na kayang magpasabog ng malalaking tres sa oras na kailangan.

At kapag dikitan na ang laban? Mas lalo siyang nagiging mapanganib. Isang manlalarong maaasahan sa crunch time, handang umako ng responsibilidad at gumawa ng mga winning plays para sa kanyang koponan.

Dahil sa kanyang husay, kumpiyansa, at pamumuno sa loob ng court, karapat-dapat lamang na tanghalin siya bilang MayaOlympics 2026 Senior Division Basketball Finals MVP.


02/08/2026

πŸ† BACK-TO-BACK FINALS MVP!πŸ†

Hindi ito tsamba. Hindi ito swerte. Isa itong patunay ng dedikasyon, sipag, at pusong hindi sumusuko.

Sa ikalawang sunod na pagkakataon, muli niyang inangkin ang MayaOlympics Basketball Finals MVP, isang pambihirang tagumpay na nagpapatunay sa kanyang husay sa pinakamahalagang laban ng torneo.

Sa bawat laban sa Finals, ipinakita niya ang kanyang nakamamatay na midrange shooting, mabilis na atake sa court at kakayahang gumawa ng malalaking plays sa oras na pinaka-kailangan. Siya ang naging haligi ng Matahimik Underrated upang pangunahan ang kanyang koponan hanggang sa kampeonato. .

Congratulations sa ating MayaOlympics Junior Division Basketball Finals MVP! πŸ‘πŸ†

02/08/2026

🌟 MAYAOLYMPICS WOMEN'S VOLLEYBALL 2026 SEASON MVP πŸπŸ†

Sa gitna ng matitinding laban at mahuhusay na manlalaro, iisang pangalan ang tunay na nangibabaw. Sa bawat puntos na ipinaglaban at bawat tagumpay na tinulungan niyang makamit, pinatunayan niyang siya ang pinakamahusay sa buong season.

Ang parangal na ito ay patunay na ang tunay na tagumpay ay bunga ng sipag, disiplina, at walang sawang pagsisikap.

Congratulations! Patuloy kang maging inspirasyon sa loob at labas ng court. πŸ’™πŸ†


02/08/2026

🏐 | MAYAOLYMPICS MEN'S VOLLEYBALL 2026 SEASON MVP πŸ†

Hindi lang husay ang ipinakita, kundi dedikasyon, tiyaga, at puso sa bawat laban. Sa buong season, pinatunayan niyang siya ang isa sa mga pinakamahuhusay na manlalaro sa loob ng court.

Isang karangalang kilalanin ang ating MayaOlympics Volleyball 2026 Season MVPβ€”isang atletang nagsilbing inspirasyon at huwaran sa bawat laban.πŸ‘


01/08/2026

β€œAnother chapter. Another championship”

Congratulations, Riverside Ballers our MayaOlympics 2026 Basketball League Senior Division Champion!

Sa bawat laro ay pinatunayan ninyo kung bakit kayo ang team to beat sa season na ito. Undefeated throughout the tournament with 8-0 record proving that the real champion is the one with disciple, teamwork, and consistency.

Sana’y patuloy kayong magsilbing inspirasyon ng bawat mga susunod na manlalaro.


Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Lucena?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Purok Matahimik
Lucena
4301