13/08/2026
Maraming gustong yumaman.
Kaunti lang ang kayang tiisin ang mga taon na walang pumapalakpak sa kanila.
Kasi lahat gusto yung resulta.
Yung malaking income.
Yung successful na negosyo.
Yung buhay na komportable.
Pero kakaunti lang ang handang pagdaanan...
yung mga panahong walang naniniwala.
Walang bumibili.
Walang nag-aabang sa content mo.
Walang pumapalakpak sa bawat effort mo.
Doon nagsisimulang sumuko ang karamihan.
Pero na-realize ko ito sa negosyo:
Hindi ka agad yayaman dahil magaling ka.
Yayaman ka kapag kaya mong magpatuloy...
kahit tahimik ang season mo.
Kasi sa negosyo...
ang palakpak ng tao,
madalas dumarating lang
kapag tapos na ang laban. 🔥
11/08/2026
Kung gusto mong maayos ang buhay mo…
matulog ka muna nang maaga.
Hindi lahat ng problema
kailangang solusyunan ngayong gabi.
Minsan...
pagod ka lang.
At kapag pagod ang isip mo,
lumalaki ang maliliit na problema.
Mas madali kang mag-overthink.
Mas madali kang magalit.
Mas madali kang gumawa ng maling desisyon.
Kaya bago mo ayusin ang negosyo,
ang relasyon,
o ang buong buhay mo...
ayusin mo muna ang tulog mo.
Kasi ang maayos na isip...
nagsisimula sa maayos na pahinga.
10/08/2026
Sometimes, you go back to where you started… because you remember why you loved it in the first place.
I’m grateful to be back on the court, now serving as an Assistant Coach with ISD’s 18U and 16U teams.
For me, this isn’t simply about basketball.
It’s about helping young players improve, compete, understand the game better, and hopefully become winners beyond the court.
I’ve spent years learning from basketball, business, wins, losses, and life itself.
And now, I get another opportunity to pour some of those lessons into the next generation.
Because sometimes, purpose is simply using what God has given you to help someone else become better.
First practice. First team photo.
Happy to be back where a part of me has always belonged. 🏀❤️
09/08/2026
Hindi ka inilayo ng Diyos.
Tahimik lang Siya habang tinuturuan kang magtiwala.
Kasi may mga season sa buhay...
na pakiramdam mo iniwan ka na.
Hindi nasasagot ang panalangin mo.
Hindi nagbubukas ang mga pinto.
Hindi nangyayari ang mga plano mo.
At ang unang naiisip natin...
"Nasaan Ka na, Lord?"
Pero paano kung...
hindi ka naman talaga Niya iniwan?
Paano kung sa katahimikan...
may ginagawa Siya na hindi mo pa nakikita?
Minsan, hindi agad binabago ng Diyos ang sitwasyon.
Ikaw muna ang binabago Niya.
Kasi kapag handa na ang puso mo...
mas kaya mo nang dalhin ang pagpapalang matagal mong hinihingi.
Kaya kung tahimik ang season mo ngayon...
huwag mong isipin na wala nang ginagawa ang Diyos.
Baka sa panahong hindi mo Siya marinig...
doon ka Niya pinakamalalim na tinuturuan magtiwala.
08/08/2026
Good evening! 🙏
For those waiting for our LIVE tonight, we’ll be going LIVE on my TikTok account instead.
See you there! 🔥
👉 Click the link here to join:
https://www.tiktok.com/?_r=1&_t=ZS-98iCJtbURE4
Coach MVL on TikTok
12.5k Followers, 197 Following, 197.3k Likes - Watch awesome short videos created by Coach MVL
07/08/2026
Ang pinakamahirap bantayan sa basketball...
hindi kalaban.
Kundi ang sarili mong ego.
Kasi kapag ego ang naglalaro...
hindi ka na marunong makinig.
Hindi ka na marunong magpasa.
At bawat mali...
kasalanan na ng iba.
Tandaan mo...
maraming magagaling na player ang hindi naging dakila.
Hindi dahil kulang sa talento.
Kundi dahil sobra ang ego.
07/08/2026
Day 1 of 100. 💪
Most people think discipline starts when you feel motivated.
It doesn’t.
Discipline starts when you decide to show up…
even when you don’t feel like it.
Yesterday isn’t about losing weight.
It’s about becoming the kind of person who keeps the promises he makes to himself.
100 days.
One walk.
One workout.
One decision at a time.
By God’s grace, I’ll finish what I started. 🙏
Who’s working on becoming a better version of themselves too? Let’s do this together. 👊