09/05/2026
Para mag-add ng member, may dalawang option ka. Una, maaari mong i-click ang Add Member button na makikita sa upper-right side ng Dashboard. Pangalawa, pumunta sa Members, then Listing, at i-click ang Add Member button sa upper-right side.
Kapag nasa Add Member page ka na, fill-upan ang Member Information gamit ang basic details ng member. Pagkatapos, ilagay ang Emergency Contact details para sa safety at record purposes.
Kung gumagamit ang gym ninyo ng Access Card o Keyfob System, maaari mo ring i-assign ang card ng member sa Access Card section. Kung may Referral Program naman ang gym, maaari mong ilagay ang referral information para ma-track nang maayos ang referrals.
Optional lang ang pag-upload ng Member Profile Photo, pero recommended ito para mas madaling ma-identify ang member at mas organized ang records.
Kapag kumpleto na ang lahat ng details, i-click lamang ang Submit Member Details.
Pagkatapos ma-submit, automatic nang malalagay ang member sa Member Listing at ready na ito para sa membership selling, renewals, attendance tracking, at iba pang gym management transactions.