19/04/2025
Salamat Rod High!
Paano nga ba sisimulan ang mensaheng ito?
Paano palalalimin ang damdaming totoo?
Sa mahiwagang baso ni Madam Principal,
Doon namin nasilayan ang aming tadhana’t dangal.
Tadhana marahil ang siyang nagdala,
Sa inyo pong piling, mga g**o naming mahal.
Kayo’y maririlag, maginoo’t bihasa,
Sa sining ng pagtuturo, sa pusong may adhika.
"Learning Through Experiences"—kay gandang pakinggan,
Ngunit higit pa roon ang aming naranasan.
Samahang umusbong gaya ng manggang hinog,
Dating hilaw at maasim, ngayo’y matamis at buo.
Sa loob ng apatnapu’t limang araw na makulay,
Tatlongdaan at animnapung oras ng tunay,
Pagtatasa, paggabay, at pagtutuwid ng landas,
Ang bawat isa sa amin ngayo’y may bagong lakas.
Mula Banghay-Aralin hanggang pagsusulit,
Mga TOs at demo, lahat po’y di malilimot.
Sa bawat puna at wasto ninyong pagsita,
Kami'y nahubog—mas tiyak, mas may tiwala.
Ang araw na ito'y tuldok ng yugto,
Ngunit bantas din ito ng bagong pagsuyo.
Salamat, G**o! Salamat sa inyo!
Dahil sa inyo'y mas nakilala namin ang aming pagkatao.
Sa aming Tribo ng Baao na ngayon ay sumasaya,
Sa mga g**o, emcee, at bawat naging kasama,
Kami’y lubos na nagpapasalamat, buong puso't diwa,
Sa pagtanggap at pagkalinga sa Rodriguez NHS na mahalaga.
Ako po si G. Jay Cuenco Morillo, taos-pusong bumabati,
Kasama ang aking pangkat, buong pusong nagpupugay.
Hanggang sa muli, kami’y lilisan nang may ngiti,
Baon ang aral at alaala—di malilimot kahit kailanman, kahit saan kami mapadpad.
Ang mga saknong na ito ay binigkas ni G. Morillo noong ika-10 ng Abril, 2025 sa pampinid na palatuntunan ng kanilang internship sa Rodriguez National High School.