15/06/2026
🏆🏆🏆
CHAMPIONSHIP GAME | HISTORY MADE 🏐🏆
Today, the A**s Men’s Volleyball Team did more than just win a championship—they made history for our barangay.
Through dedication, teamwork, perseverance, and unwavering determination, they proved that hard work truly pays off. This victory is not only a testament to their talent on the court but also a proud moment that will forever be remembered in the history of Barangay A**s.
To our players, coaches, supporters, and everyone who stood behind the team throughout this journey, thank you for being part of this remarkable achievement.
Congratulations, A**s Men’s Volleyball Team! You didn’t just bring home the championship—you brought pride, honor, and a legacy for our barangay. 💚🏐🏆
20/12/2025
Good morning, Barangay A**s! 🌞 Rise and shine! 😊
Simulan natin ang araw na may ngiti at pasasalamat sa matagumpay na pamamahagi ng PAMASKONG HANDOG mula sa CAROLING FOR A CAUSE at sa mga DONATIONS na aming naipamahagi. ❤️
Ang GIFT-GIVING PROGRAM na ito ay naging posible dahil sa buong pusong suporta at pagtutulungan ng mga volunteers mula sa LIGA-LEAGUE COMMITTEE - SK Rafael Valenzuela, Denver Esguerra, Elizeo Dugay, Gian Limbo, Aries Aclan, Paul John de Chavez, Clyde Macaraig, JM Macaraig, Aaron Mendoza at TAGAY HEROES — Joseph Macaraig, Yhdnar Macaraig, Adrian Macaraig, Peter Macaraig, Liane Raine Ceniza, sir Perry Taborda, Hennessy Tullao, Donna Marie Morales, Joan Luna, Chobee Ramos, Jayron Macaraig, Louie Macaraig, Raymart Macaraig— mga samahang walang sawang sumusuporta sa ating mga programa—gayundin sa mga kabarangay nating laging handang mag-abot ng tulong pinansyal — Ninang Amy Perez, Ninang Agnes Malimban, Boss Noly Taborda, Kuya Jevy Macaraig, Sir Perry Taborda, Jingkyjoy De Chavez.
Tunay ngang walang imposible kapag may pagkakaisa. Bagama’t iilan pa lamang ang ating nabahagian ngayong Pasko, naniniwala kami na sa mga susunod na pagkakataon ay mas marami pa ang maaabot ng ating serbisyo at malasakit.
Maraming salamat po sa inyong lahat, at nawa’y patuloy tayong magkaisa para sa mas masayang at mas maunlad na komunidad! 💖🎄
MERRY CHRISTMAS 🎄🎁
14/12/2025
“Anumang gawin ninyo, gawin ninyo ito nang buong puso, na para bang ito ay ginagawa ninyo para sa Panginoon.”
— Colosas 3:23
“Mas masaya ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap.”
— Gawa 20:35
PASKO — Ito ay isang araw na pinakahihintay ng marami sapagkat ito ang panahon ng pagkakaisa, kung saan nagkakasama-sama at nagkakatipon-tipon ang mga pamilya. Ito rin ang panahon ng pagbibigayan at pagbabahagi ng biyaya, na nagbibigay ng tunay na saya at kahulugan sa bawat isa.
Bilang tugon sa diwa ng Pasko, aming (kasama ang mga volunteers) naisip at isinulong ang isang makabuluhang gawain na pinamagatang “Caroling for a Cause”, na isasagawa sa iba’t ibang barangay. Layunin ng proyektong ito na makapag-ipon ng kaunting pondo upang makapaghandog ng simpleng pamasko sa ilang piling pamilya sa ating barangay.
Bagama’t limitado ang aming kakayahang pinansyal at hindi kayang tustusan ang lahat mula sa sariling bulsa, taos-puso naming iniaalay ang aming oras, lakas, at sama-samang pagsisikap upang maisakatuparan ang gawaing ito. Umaasa kaming ang aming hangarin at sakripisyo ay inyong mapapansin at mauunawaan.
Upang maging malinaw at maayos ang pagsasagawa ng aktibidad, nais naming ipabatid na ang gawaing ito ay aming ipinaalam at ipinaabot sa ating Punong Barangay. Ang pangunahing layunin ng programang ito ay maghatid ng kaunting kagalakan at biyaya ngayong Kapaskuhan, lalo na sa mga pamilyang higit na nangangailangan.
Ang programang ito ay isinagawa nang may tapat na hangarin at bukas na layunin. Hindi ito para sa pansariling kapakinabangan, kundi para sa paglilingkod at pagbabahagi. Nawa’y manaig ang pag-unawa, kababaang-loob, at pagkakaisa sa panahong ito ng Kapaskuhan.
Maraming salamat po sa inyong suporta at pag-unawa.
Send a message to learn more
13/12/2025
Awit, saya, at pagkakaisa! 🎶
Caroling para sa Gift Giving Program ng aming barangay.😍🥳
Salamat po sa pagtanggap Bigain 2nd at Bigain South 😍🥰
31/10/2025
KID’S HALLOWEEN PARTY 2025- A**s, San Jose, Batangas
Maraming salamat po sa lahat ng sumali (ang huhusay ng mga kinalabasan ng costume ng mga bata 😍), nag sponsor at lahat ng tumulong para matapos ng maayos ang programa . ❤️❤️
Saludo sa effort,pakikiisa at galing ng mga taga-A**s. 🫡🫡
Part 1
27/10/2025
Magandang araw po. Para sa mga kalahok ito po ang magiging daloy ng ating aktibidad para sa October 31,2025.
Sa covered court po gaganapin ang face painting. Maaari po palagyan ang bata bago pumarada. At pagsapit po ng alas 5 ng hapon ay simula na ng parada. Ang parada po ay simula sa COURT—KANLURAN— kaunteng parte PAIBABA— balik court na po tayo.
PAUNAWA PO: Sa mga madadaanan po ng PARADA maaari po kayong mag-abot sa mga bata ng candies. 😊😊 Para sa mas ikakasaya ng mga batang kalahok.
Salamat po. Kita kits sa Biyernes 👻🎃💀