ECA Basketball

ECA Basketball Faith in every frame; Glory to God in every game!

District meet is officially over! We got 4 out of 4!All the Glory and Honor belongs to the Lord! ☝️​Tapos na ang Distric...
13/09/2026

District meet is officially over! We got 4 out of 4!
All the Glory and Honor belongs to the Lord! ☝️

​Tapos na ang District Meet pero ang kwento ng pagsisikap ay papunta pa lang sa susunod na lebel! Isang malaking pagkilala sa ating mga matatapang at dedicated student-athletes na buong-pusong nagrepresenta sa ating mahal na paaralan, ang Eylim Christian Academy!

​Hindi lang natin naipagtanggol ang ating homecourt—inilabas natin ang totoong puso ng isang kampeon! 🔥

✅ 15U – 5-on-5 & 3-on-3
✅ 17U – 5-on-5 & 3-on-3

​Maraming salamat sa ating mga parents, teachers, sa buong ECAnian community at sa aming School President, Pastor Arnel Bautista sa walang sawang suporta at panalangin!

​Unto the next stop: Division Meet - Private Schools! 🏀

Patuloy ang pagsisikap at pagpapakumbaba para sa Kanyang kadakilaan. Sa iyo Ama ang lahat ng Papuri!

𝙂𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙏𝘼𝙍𝙏 𝙁𝙊𝙍 𝙏𝙃𝙀 𝙎𝙌𝙐𝘼𝘿! 𝘼𝙉𝙊𝙏𝙃𝙀𝙍 𝙒𝙄𝙉 𝙂𝙄𝙑𝙀𝙉 𝘽𝙔 𝙂𝙊𝘿!☝️Isa na namang PANALO ang ipinagkaloob ng Panginoon sa ating koponan...
01/09/2026

𝙂𝙊𝙊𝘿 𝙎𝙏𝘼𝙍𝙏 𝙁𝙊𝙍 𝙏𝙃𝙀 𝙎𝙌𝙐𝘼𝘿! 𝘼𝙉𝙊𝙏𝙃𝙀𝙍 𝙒𝙄𝙉 𝙂𝙄𝙑𝙀𝙉 𝘽𝙔 𝙂𝙊𝘿!☝️

Isa na namang PANALO ang ipinagkaloob ng Panginoon sa ating koponan!
Hindi naging madali ang laban kahapon, pero ipinakita ng ating mga batang atleta na walang imposible kapag may puso, sipag, teamwork, at higit sa lahat—pananampalataya sa Diyos!

𝗙𝗔𝗦𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗥𝗧. 𝗦𝗧𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗙𝗘𝗡𝗦𝗘. 𝗙𝗨𝗟𝗟 𝗧𝗘𝗔𝗠 𝗘𝗙𝗙𝗢𝗥𝗧.

Mula sa unang minuto, agad na nakuha ng ating koponan ang tempo ng laro! Nag-arangkada tayo nang maaga at nakabuo agad ng kalamangan laban sa ating katunggali.
At nang subukan nilang humabol…

𝗗𝗘𝗙𝗘𝗡𝗦𝗘! 𝗗𝗘𝗙𝗘𝗡𝗦𝗘! 𝗗𝗘𝗙𝗘𝗡𝗦𝗘! 🔥

Mahigpit na depensa ang ipinakita ng ating mga manlalaro, hindi binigyan ng madaling pagkakataon ang kalaban at patuloy na pinanatili ang momentum ng ating koponan!
Pero teka… 👀

𝗚𝗔𝗠𝗘 1 𝗪𝗔𝗦 𝗔 𝗗𝗜𝗙𝗙𝗘𝗥𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗬...

Wala ang ating best player, kaya mas naging malaking pagsubok ito para sa ating squad. Ngunit imbes na panghinaan ng loob…

𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗤𝗨𝗔𝗗 𝗦𝗧𝗘𝗣𝗣𝗘𝗗 𝗨𝗣! 🔥

Sa pangunguna ng ating Kapitan at ng ating Mr. Pogi sa opensa at sa walang-pagod na depensa ng ating THREE CUTE DEFENDERS 😂, nagawa nating malampasan ang pressure at makuha ang panalo!

𝗡𝗔𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗢𝗧 𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗔𝗧 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗘𝗘𝗚!

Pero jokes aside, malaking credit sa BUONG TEAM dahil bawat isa ay nag-ambag—TEAM EFFORT! 🤝

SA ATING MGA MAGULANG:
Maraming salamat sa inyong walang-sawang suporta, sakripisyo, at pagtitiwala. Salamat sa pagpapahintulot at pagbibigay ng pagkakataon sa inyong mga anak na ipakita ang kanilang talento at abutin ang kanilang mga pangarap.

SA ATING SCHOOL, EYLIM CHRISTIAN ACADEMY:
Maraming salamat sa patuloy na suporta at pagmamahal sa ating mga estudyanteng atleta!

At sa ating School President, Pastor Arnel Bautista, maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pagtitiwala sa ating mga batang atleta.

At higit sa lahat…
SA ATING PANGINOON! 🙏
Salamat sa lakas kapag pagod na, sa tapang kapag kinakabahan, sa karunungan sa bawat desisyon at sa proteksiyon sa bawat laban!

𝘼𝙉𝙊𝙏𝙃𝙀𝙍 𝙒𝙄𝙉. 𝘼𝙉𝙊𝙏𝙃𝙀𝙍 𝘽𝙇𝙀𝙎𝙎𝙄𝙉𝙂. 𝘼𝙉𝙊𝙏𝙃𝙀𝙍 𝙎𝙏𝙀𝙋 𝘾𝙇𝙊𝙎𝙀𝙍 𝙏𝙊 𝙏𝙃𝙀 𝙂𝙊𝘼𝙇.

𝘼𝙇𝙇 𝙂𝙇𝙊𝙍𝙔 𝘽𝙀𝙇𝙊𝙉𝙂𝙎 𝙏𝙊 𝙂𝙊𝘿!☝️

Sizzling Start for the Squad! All the glory belongs to God! 🔥​Sa pagbubukas ng Danny Ildefonso Grassroots League Inter-S...
29/08/2026

Sizzling Start for the Squad! All the glory belongs to God! 🔥

​Sa pagbubukas ng Danny Ildefonso Grassroots League Inter-School, pinatunayan ng ating koponan na mas matindi pa sa mainit na kape ang kanilang laro!

Samantalang ang iba ay naninigas sa lamig at naghahanap ng yakap, ang team natin ay busy sa pag-apoy at nakikipagdigmaan sa loob ng court! 😃

​Early quarters pa lang, na-defrost agad ang laro! Agad na naghasik ng bagsik at kagalingan ang squad para solido at direktang makuha ang panalo!

Isang malaking pasasalamat at pagkilala sa ating mga magulang na walang sawang sumusuporta sa kanilang mga anak! Sa aming school, Eylim Christian Academy at sa ating School President, Pastor Arnel Bautista, sa kanilang patuloy na paggabay, pagmamahal, at suporta sa ating mga manlalaro.

​Dahil sa inyong paniniwala at pagtataguyod, patuloy na nagpupumiglas at nagtatagumpay ang ating mga manlalaro! Mabuhay ang komunidad ng ECA!

Kahit si Wolverine nalungkot eh! 😔Dahil suspended ang klase gawa ng masama ang panahon, hindi matutuloy ang inaabangang ...
14/08/2026

Kahit si Wolverine nalungkot eh! 😔

Dahil suspended ang klase gawa ng masama ang panahon, hindi matutuloy ang inaabangang laban ng Juniors vs. Seniors!

Keep safe and Dry everyone!

*Rescheduled date will be posted soon!

INTRAMURALS SEASON NANAMAN! 🏀Tagisan na naman ng lakas, talino, diskarte, at galing!Abangan bukas ang pinakaaabangang sa...
13/08/2026

INTRAMURALS SEASON NANAMAN! 🏀

Tagisan na naman ng lakas, talino, diskarte, at galing!

Abangan bukas ang pinakaaabangang salpukan ng dalawang koponan na parehong handang ipamalas ang kanilang husay sa laro! 💪

JUNIOR HIGH 🆚 SENIOR HIGH

Masisilayan natin ang tapang at energy ng ating mga Junior High laban sa mas gulang at beteranong Senior High students! 👊

ABANGAN BUKAS! 🔥

𝗦𝗘𝗠𝗜𝗦 𝗦𝗘𝗖𝗨𝗥𝗘𝗗! 🔥🏀Tatlong laro. Tatlong panalo. 3-0 sa eliminations! 💪Hindi nagpahuli ang ating mga adings at ipinakita a...
03/07/2026

𝗦𝗘𝗠𝗜𝗦 𝗦𝗘𝗖𝗨𝗥𝗘𝗗! 🔥🏀

Tatlong laro. Tatlong panalo. 3-0 sa eliminations! 💪

Hindi nagpahuli ang ating mga adings at ipinakita ang kanilang puso at disiplina sa bawat laban. Dahil dito, opisyal na silang pasok sa Semifinals! 🔥

Patuloy ninyo kaming samahan at suportahan sa susunod na hamon habang ipinaglalaban ng ating koponan ang pag-abot sa kampeonato.

Maraming salamat sa Eylim Christian Academy, lalo na sa ating School President, Pastor Arnel, sa walang sawang suporta sa ating mga manlalaro.

Eliminations: ✅
Next stop: SEMIFINALS! 😎

TO GOD BE ALL THE GLORY!!!

𝟮𝗻𝗱 𝗥𝘂𝗻𝗻𝗲𝗿-𝘂𝗽 𝗼𝘂𝘁 𝗼𝗳 𝟭𝟵 𝘁𝗲𝗮𝗺𝘀! Flashback sa ligang nagpatunay ng puso at galing ng ating mga manlalaro! ✨​Sariwa pa rin ...
20/06/2026

𝟮𝗻𝗱 𝗥𝘂𝗻𝗻𝗲𝗿-𝘂𝗽 𝗼𝘂𝘁 𝗼𝗳 𝟭𝟵 𝘁𝗲𝗮𝗺𝘀! Flashback sa ligang nagpatunay ng puso at galing ng ating mga manlalaro! ✨

​Sariwa pa rin sa ating alaala ang matagumpay na kampanya natin sa Danny Ildefonso Grassroots League noong nakaraang buwan. Mula sa simpleng pangarap na makakuha lang ng karanasan, nairaos natin hanggang dulo at nag-uwi pa ng medalya!

​Pasasalamat na walang katapusan sa ating Panginoon, sa management ng liga, at sa mga magulang na naging sandigan ng bawat player. Sa ating Coach at sa buong team, salamat sa bawat patak ng pawis at sakripisyo.

​Ang ligang ito ay tapos na, pero ang pangarap ng bawat batang ito ay magpapatuloy.

​To GOD be the Glory! 🙏

𝘽𝘼𝙂𝙊𝙉𝙂 𝙎𝘾𝙃𝙊𝙊𝙇 𝙔𝙀𝘼𝙍, 𝘽𝘼𝙂𝙊𝙉𝙂 𝙇𝘼𝘽𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝙃𝘼𝙍𝘿 𝘾𝙊𝙐𝙍𝙏! ​Nag-start na naman ang panibagong school year! At ang ibig sabihin ng n...
19/06/2026

𝘽𝘼𝙂𝙊𝙉𝙂 𝙎𝘾𝙃𝙊𝙊𝙇 𝙔𝙀𝘼𝙍, 𝘽𝘼𝙂𝙊𝙉𝙂 𝙇𝘼𝘽𝘼𝙉 𝙎𝘼 𝙃𝘼𝙍𝘿 𝘾𝙊𝙐𝙍𝙏!

​Nag-start na naman ang panibagong school year! At ang ibig sabihin ng new school year? Pagkakataon na naman para ipakita ang gilas at maglaro ng pinakapaborito nating sport para sa paparating na school meet! 🔥

​Inaanyayahan ng Eylim Christian Academy ang lahat ng mga talentado, may puso, at determinadong estudyante na sumali sa gaganaping Men's Basketball Team Tryouts!

​Ihanda at ikondisyon na ang inyong mga sarili dahil mag-uumpisa na naman ang bakbakan at hiyawan sa loob ng hard court. Ito na ang chance mong irepresent ang paaralan at maging susunod na Champion! 🏆

​📅 June 22, 2026 (Lunes)
📍 ECA Covered Court
⌚ 3:00 PM

​Dalhin ang inyong sports attire, tubig, at higit sa lahat, ang inyong nagbabagang fighting spirit! 🔥

​Ipakita ang bagsik ng ECA! Kita-kits sa court!

𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗴𝗮𝗺𝗲? 𝗟𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗺𝗼 𝗻𝗮 '𝘆𝗮𝗻! 🔥🏀The adings found their way to victory! Hindi rin nagpahuli ang ating mga adings sa kanil...
12/06/2026

𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗴𝗮𝗺𝗲? 𝗟𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗺𝗼 𝗻𝗮 '𝘆𝗮𝗻! 🔥🏀

The adings found their way to victory! Hindi rin nagpahuli ang ating mga adings sa kanilang unang laro sa Zealot Basketball League, matapos maiuwi ang panalo sa kanilang opening game.

Sa pangunguna ni Mondala, nanatiling matatag ang koponan laban sa kanilang katunggali. Unang quarter pa lamang ay agad nang ipinakita nina Agliam, Dagang, at Samilin ang matinding depensa at magandang ikot ng bola. Hindi rin nagpahuli ang isa sa mga rookies ng koponan na si Sonaco, na nagbigay ng mahalagang ambag sa laro.

Sa second quarter, nakipagsabayan at nakipagbakbakan din sina Progalidad, Castillo, Oclarino, Gamazon, at Doronio. Hindi nila hinayaang makalamang ang kalaban at patuloy pang pinalawak ang agwat.

Pagsapit ng ikatlong yugto, nakaranas ng pagsubok ang koponan dahil sa kakulangan ng mga manlalaro. Ngunit sa pangunguna nina Gabat, Viray, at Agliam, naitawid nila ang quarter kahit nakalamang ng tatlong puntos ang kanilang kalaban.

Sa huling yugto, tuluyan nang nagliyab ang apoy ng koponan. Ipinakita nila na hindi sila maaaring maliitin. Matinding depensa, walang sawang hustles, at mga siguradong tira ang naging susi upang maselyuhan ang kanilang unang panalo sa torneo. 💪🏽🔥

Maraming salamat sa mga magulang na walang sawang sumusuporta sa ating mga batang atleta. Maraming salamat din sa aming school, ang ECA, sa pangunguna ni Pastor Arnel, sa patuloy na pag-alalay at pagsuporta sa bawat laban ng ating koponan.

𝙏𝙤 𝙂𝙤𝙙 𝙗𝙚 𝙖𝙡𝙡 𝙩𝙝𝙚 𝙜𝙡𝙤𝙧𝙮! 🙏

𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗚𝗔𝗠𝗘. 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗪𝗜𝗡. 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧. 🔥𝙏𝙝𝙚 𝙆𝙪𝙮𝙖𝙨 𝙖𝙧𝙚 𝙤𝙣 𝙩𝙝𝙚 𝙗𝙤𝙖𝙧𝙙! 💪🏀Sa pagbubukas ng Zealot Youth Basketball League s...
04/06/2026

𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗚𝗔𝗠𝗘. 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗪𝗜𝗡. 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧. 🔥

𝙏𝙝𝙚 𝙆𝙪𝙮𝙖𝙨 𝙖𝙧𝙚 𝙤𝙣 𝙩𝙝𝙚 𝙗𝙤𝙖𝙧𝙙! 💪🏀

Sa pagbubukas ng Zealot Youth Basketball League sa bayan ng Binalonan, agad na nagpakawala ng matinding opensa ang ating mga kuya at ipinakita kung bakit sila isa sa mga koponang dapat bantayan sa liga!

Mula sa unang yugto ng laro ay walang sinayang na pagkakataon ang ating koponan. Sunod-sunod ang baskets, dikit ang depensa, at solid ang teamwork na nagbigay ng malaking kalamangan laban sa kanilang katunggali.

Ngunit hindi lang ang mga kuya ang nagpakitang-gilas ngayong araw!

Ramdam na ramdam din sa loob ng court ang lakas ng suporta mula sa ating mga ading na walang sawang nagbigay ng sigaw, palakpak, at enerhiya para sa buong koponan. Tunay na ipinakita ng lahat na ang panalo ay bunga ng pagkakaisa sa loob at labas ng court.

✅ 𝗚𝗮𝗺𝗲 1
✅ 1 𝗪𝗶𝗻

Isa pa lang ito sa simula. Tuloy ang laban, tuloy ang apoy! 🔥

Address

San Vicente West, Pangasinan
Asingan
2439

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ECA Basketball posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share