Street Cat’s

Street Cat’s

Share

Street fixed gear
Street bike
Business purposes
Open for promote fixed gear bike

Photos from Street Cat’s's post 25/08/2026

Commuter build 🤤

22/08/2026

ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA SANGGUNIANG BAYAN NG PUERTO GALERA , ORIENTAL MINDORO
PAKSA:
KAHILINGAN NA I-EXEMPT ANG MGA SEKLISTA SA ₱50 ENVIRONMENTAL USAGE FEE

Mahal na mga Kagalang-galang na Miyembro ng Sangguniang Bayan ng Puerto Galera,

Magandang araw po.
Kami po ang MINDORO BIKERS COMMUNITY ay magalang na lumalapit sa inyong tanggapan upang ipahayag ang aming kahilingan na maging exempted o hindi na singilan ng ₱50 Environmental Usage Fee ang mga siklistang bumibisita sa Puerto Galera.

Nauunawaan at iginagalang po namin ang layunin ng inyong pamahalaan na pangalagaan ang kalikasan at mapanatili ang kagandahan ng Puerto Galera.

Bilang mga siklista, lubos din po naming pinahahalagahan ang kalikasan dahil isa sa mga dahilan kung bakit kami nagbibisikleta ay upang masiyahan sa sariwang hangin at makita ang magagandang tanawin ng likas na yaman ng ating lalawigan.

Gayunpaman, nais po naming ipaabot na marami sa mga siklistang pumapadyak patungong Puerto Galera ay mga batang estudyante, kabataan, at mga ordinaryong mamamayang walang regular na hanapbuhay. Mas malimit ay tubig lang ang baon at limitado lang ang dalang gastusin.

Ang aming pagpunta sa Puerto Galera ay hindi lamang simpleng pamamasyal. Para sa marami sa amin, ito ay isang paraan upang magkaroon ng magandang karanasan, mapanatili ang kalusugan, makilala ang kagandahan ng ating lugar, at maitaguyod ang kultura ng pagbibisikleta.

Hindi po biro ang aming paglalakbay. Nakakapagod ang pagpadyak at pag ahon sa mga paliko-likong kalsada na patungong Puerto Galera sakay ng bisekleta. Ngunit sa kabila ng pagod, sulit ang bawat padyak kapag nasilayan namin ang ganda ng Tamaraw Falls, White Beach, at iba pang likas na tanawin na ipinagmamalaki ng Puerto Galera.

Nais naming maging bahagi ng komunidad na nagtataguyod ng eco-friendly na turismo.
Kaya naman, buong paggalang po naming hinihiling sa Sangguniang Bayan na pag-aralan ang posibilidad na ipagkaloob ang exemption sa Environmental Usage Fee para sa mga siklistang bumibisita sa Puerto Galera.

Naniniwala po kami na ang ganitong hakbang ay makatutulong upang mas mahikayat ang mga kabataan na gumamit ng bisikleta, mapalaganap ang eco-tourism, at maipakita na ang Puerto Galera ay isang destinasyong bukas at tumatanggap sa mga turista—mayaman man o kapos, bata man o matanda.

Hindi po namin hinihiling na alisin ang inyong mga programa para sa pangangalaga ng kalikasan. Ang hinihiling lamang po namin ay isang konsiderasyon para sa mga siklistang ang tanging puhunan sa paglalakbay ay lakas, tiyaga, at pagmamahal sa pagbibisikleta at kalikasan.

Umaasa po kami sa inyong pang-unawa at malasakit. Nawa'y mapakinggan ninyo ang tinig ng mga siklista at mabigyan ng pagkakataon kami na maranasan ang kagandahan ng Puerto Galera nang hindi na nadadagdagan pa ang aming maliit na gastusin.

Maraming salamat po sa inyong panahon, pang-unawa, at paglilingkod sa ating bayan.

Mabuhay ang Puerto Galera!
Mabuhay ang Mindoro!
Mabuhay ang mga Siklista!

Lubos na gumagalang,
MINDORO BIKERS COMMUNITY

admin
Nikko Twozero
Nolo Mañibo
Richard Castillo
Prince Castillo
Earl V. Villagracia
Normandy leaño Miraflor
Joel Patagan
Rjay Bautista

Photos from sheen estevez running club's post 22/08/2026
22/08/2026

Ubos pati pang bili ng bri*f WAHAHA!

17/08/2026

Rainy season is tracklocross season. 💦

New meta🔥

16/08/2026

No need gas or pamasahe masaya na sa bike🚲👌🏻

Photos from Street Cat’s's post 16/08/2026

Quick tambay nights CALAPAN CITY ORMIN.🚲🎥

14/08/2026

Night ride with tracklocross fixed gear🚲👌🏻

Want your business to be the top-listed Gym/sports Facility in Antipolo?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Antipolo Rizal
Antipolo